MALUSOG at mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat, mga kasamahan sa Barangay Kalusugan! Dalangin ko sa Poong Maykapal na biyayaan at mapuno kayo ng kasiyahan, kasayahan at kagalakan sa buong taon.
Sa unang araw ng bagong taon ay inilunsad natin ang BARANGAY KALUSUGAN, Kapisanan nating lahat na nagbibigay halaga sa pansariling kalusugan at pati na sa buong sambayanan at sandaigdigan.
Ina-anyayahan ko po kayo na makilahok sa ating mga talakayan sa pamamagitan ng pagpapadala ng inyong mga katanungan, mga ideya at palagay, mga karanasan dito sa BANDERA, upang mailathala ang mga kaalaman tungkol sa kalusugan tuwin Miyerkules at Biyernes.
Dahil sa dami ng kainan nitong Holidays, humantong sa “overeating”, napakarami ngayon ang namomroblema sa kanilang timbang (overweight), katabaan (overfat), kabilugan (out of Shape), at may mga matataas na antas ng “blood chemistry” gaya ng “sugar, cholesterol, triglycerides, uric acid” at iba pa.
Nadagdagan pa ito ng kakulangan sa ehersisyo dahil sobrang busy.
Napalitan ang “healthy water” ng “unhealthy beverages”.
Ang ham na may taba ay lalong napasarap ng pinahiran pa ng asukal para maging “sweet ham”.
Ang “overeating” ay nagyayari kapag ang ipinapasok sa bibig na pagkain ay higit sa pangangailangan ng katawan, kung kaya’t ang “calories” o enerhiya ay hindi nasusunog ng maayos at ito kayat ito ay ang naiipong taba.
AWARENESS: Any food and drink that you take in except for water contain calories! Excess calories viciously accumulate and stored as FAT.
Ang FAT ngayon ang problema mo kasi hindi na magkasya ang iyong mga damit at nahihiya ka sa sarili mo kapag nakaharap ka sa salamin (GUILT?).
Mainam na mabatid mo ito dahil ito ang umpisa ng pagbabago ng iyong pananaw tungkol sa katabaan. Hindi lang “shape” kundi pati “health” ang isyu dito. Gusto mo bang bumaba ng timbang? Maganda at malusog na desisyon yan. Magtulungan tayo! Tutulungan mo din ang iyong sarili.
Umpisahan natin sa pagtanggap mo ng katotohanan na ikaw ang may kagagawan sa lahat ng nangyayari sa iyo, kasama na dito ang pagtaas ng iyong timbang. Sunod dito ay ang pagsusuri sa mga gawain na nagdala sa iyo sa kasalukuyang kalagayan. Magpi-PRENO ka ngayon, dahil ang pagbawas ng timbang ay nag-uumpisa sa pagtigil ng pagtaas nito.
Abangan sa Miyrekules ang susunod na artikulo hinggil sa DETOXIFICATION na unang estratehiya na makakatulong sa iyo para sa isang healthy na pamumuhay ngayong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.