HINDI pa rin sumusuko si Sam Milby, naniniwala siya na darating ang araw na mapapanood din siya ng mga Filipino sa Hollywood.
Kung matatandaan, nagtungo si Sam sa New York a few months back para sa kanyang pangarap na maka-penetrate sa Hollywood. Nag-audition siya roon para sa ilang TV show sa Amerika pero wala pa tayong nababalitaan kung matutuloy pa ito o hindi na.
Sa huling interview namin kay Sam, sinabi niyang napakarami niyang natutunan sa ilang buwang pananatili niya sa New York kung saan dumaan nga siya sa ilang auditions, doon niya nalaman na ibang-iba talaga ang kultura ng showbiz dito sa atin kumpara sa US.
Ayon pa kay Sam, baka raw ang paggawa ng isang makabuluhang indie film ngayong 2014 ang maging daan para matupad na ang kanyang Hollywood dream, “I would love that and I think what’s great about the indie movies especially here in sa Pilipinas is that they’re getting international recognition and I think one of the biggest successes in indie movies also is ‘On The Job’ (nina Piolo Pascual at Gerald Anderson).”
Dugtong pa niya, “Especially in Hollywood they’re looking for diversity especially with Asians. They’re not looking for the typical na gwapo na white.
“They’re really looking for diversity and that was what I was told when I was doing auditions in the States na ‘yun talaga ang hinahanap nila. It’s a really good time right now to do indie movies and hopefully use that as a gateway,” hirit pa ng aktor.
Sana raw makagawa siya ng indie movie kada taon na maisasali rin sa mga international film festival, “Sa indie talaga and mas malawak ‘yung the field that you’re able to explore. You know a lot of times ‘yung mga directors diyan they are very open sa mga ideas mo and it’s a great way to grow.”
In fairness, gumawa rin ng marka ang ilang indie films na ginawa ni Sam nitong mga nakaraang taon, tulad ng “Third World Happy”, “Cul de Sac” at “Death March”.
Natanong naman si Sam kung ano pa ba ang gusto niyang gampanang role na talagang matsa-challenge siya, “Some kind of mental, pwedeng schizo. Sa Huwag Ka Lang Mawawala may pagka-bipolar siya pero hindi schizo (severe mental disorder). Eh schizo is a whole different level, mas challenging.”
Sey pa ng aktor, kung mabibigyan siya ng chance, gusto niyang sundan ang yapak ng yumaong Hollywood actor na si Heath Ledger na sumikat sa mga pelikulang “The Dark Knight” bilang Joker at sa “Brokeback Mountain”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.