Vice Ganda umiwas mainterbyu ng Press, napaiyak sa sobrang pagod
NAG-BACK-TO-BACK special screening for their family and friends si Unkabogable Star Vice Ganda at Wenn Deramas sa Trinoma cinema sa pelikula nila sa Metro Manila Film Festival, ang “Girl Boy Bakla Tomboy,” noong Christmas day mismo.
Past 4 p.m. pa lang, nakapaskel na sa bilihan ng tiket ang SOLDOUT sa lahat ng natitirang screening on that day para sa “Girl Boy…” at “Pagpag.” Ang “Kimmy Dora” naman pang-10 p.m. screening na lang may available seats. Habang ang “My Little Bossings” may dalawang screenings pa sa gabi ang ‘di pa puno.
Dahil napanood na namin ang “My Little Bossings,” watch kami ng “Girl, Boy…” at “Kimmy Dora.” Grabe ang reaksyon ng mga taong palabas ng “Girl Boy…” pawang nakatawa.
Inip sa sobrang excitement na mapanood ang movie at matinding init ang nararanasan ng mga tao na nasa mahabang pila. Kalait-lait ang Trinoma that day, huh! Ni wala ka talagang maramdamang lamig sa loob ng mall at sinehan.
Nakita naman namin na pinagkakaguluhan ang magkapatid na Jeron at Jeric Teng ng mga tao. Kasama ng magkapatid ang sisters nila na sina Almira at Alyssa pati na ang parents nila na sina Alvin at Susan.
Hindi na namin nakita si Susan sa mall dahil nauna na raw siyang umalis nu’ng sumagot siya sa amin sa text. Nahilo kasi siya sa init at dami ng tao. Habang bumeso naman sa amin si Alvin na hinihintay ang kanyang mga anak.
Sa ‘di kalayuan ininterbyu naman sina Vice at Direk Wenn na nagkita sa labas ng sinehan. Hindi na kami lumapit sa kanila dahil laputan na kami sa pawis, ‘no. May nagtsika sa amin na umiyak daw si Vice at ‘di nagpa-interbyu.
Tinanong namin ang isang malapit kay Vice kung bakit umiyak ang Blockbuster Star, stress daw ang dahilan.Pagpasok ng sinehan lumabas muna kami sandali dahil may susunduin pa kami na kasamang manonood.
Nakasalubong naman namin si Presidente Noynoy na pinalilibutan ng kanyang bodyguards habang naglalakad patungo sa Astrovision.
Nagtagal doon si P-Noy ng mga 30 minuto at ‘di na nagpapasok ng ibang customer. Habang sa labas naman ay naghihintay ang maraming tao para mabati ni P-Noy.
Sey nga ng katabi namin, “Wala kasing girlfriend kaya walang ka-date ngayong Pasko.” Paglabas ng Astrovision nagulat naman kami’t lumapit sa crowd si P-Noy at kinamayan ang mga tao.
Pati kami na nakaporma na kukuha ng picture niya, e, hinawakan ni P-Noy sa kaliwang braso. Hindi na tuloy namin siya natanong sa pagkabigla at baka harangin din kami ng PSG niya.
Earlier nga pala nakita namin ang female star sa isa sa mga entry sa MMFF. Sa harapan mismo namin namumudmod ng tiket si female star para sa movie nila sa fans, huh! Ganito na ba ang uso ngayon?
Now we realized na kung ordinaryong fan ka, e, ‘di mo na kailangang pumunta sa parada ng mga artista na kasali sa MMFF. Go ka lang sa Trinoma at du’n mas malapitan pa silang makikita. At ang bonus, pwede ka pang makakuha ng libreng tiket.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.