Sulat mula kay Beauty ng Barotac Nuevo, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Kapwa kami may trabaho ng mister ko at ang trabaho ay semi-manual kaya pag-uwi sa bahay sa gabi ay pagod at pata na ako. Napakainit ng mister ko at kahit ayaw ko na ay namimilit siya. Walang akong magawa dahil kapag di ko raw ibigay ang gusto niya ay sa iba siya magpaparaos. Bago matulog sa gabi ay di siya pumapalya. Pag gising sa umaga ay isa pa. Kaya minsan, pagdating ko sa trabaho ay pagod na ako, di pa man nagsisimula. Gagawin kaya ng mister ko ang magparaos sa iba kapag talagang tinanggihan ko siya? May posibilidad po ba na magkahiwalay kami? October 14, 1979 ang birthday ko at October 25, 1976 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Beauty ng Barotac Nuevo, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Pamistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin tanggihan mo man ang mister mo sa pagkikipag-sex, dahil nga parang nasosobrahan ka na sa ginagawa niya, tulad ng nasabi na, hindi kayo magkakahiwalay – may pangako ng maligaya at panghabambuhay na samahan.
Cartomancy:
“Mananatiling buo at matatag ang inyong samahan habang buhay” – ang nais namang ipahiwatig ng barahang Queen of Diamonds, Two of Hearts at Six of Hearts. Ibig sabihin, anu’t anoman ang mangyari sa buhay sexual ninyong mag-asawa, wala kang dapat na ikatakot at ipangamba, dahil ang inyong relasyon ay sigurado namang magiging panghabambuhay na.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.