Paulo naging sariwa uli dahil kay KC | Bandera

Paulo naging sariwa uli dahil kay KC

Ervin Santiago - December 28, 2013 - 03:00 AM


IN fairness, may kilig factor nga ang tambalan nina Paulo Avelino at Cristine Reyes. Napanood namin ang ilang eksena ng dalawa sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Honesto nitong mga nakaraang araw at feeling namin hindi ito ang magiging last project nila.

At bagay din pala kay Cristine ang maging mabait, ha! Ha-hahaha! At hindi na rin kami magtataka kung sa mga susunod na serye ni Cristine sa Dos ay puro mababait na ang kanyang gagampanang karakter.

Napansin din namin na ang fresh-fresh ngayon ng itsura ni Paulo, halatang in love kaya siguro inspired magtrabaho. Nararamdaman siguro niya na malaki ang chance na sagutin siya ng kanyang apple of the eye ngayon na si KC Concepcion.

Sinabi ni Paulo sa huling interview sa kanya ng press na tuloy pa rin ang panunuyo niya kay KC pero ayaw na niyang magdetalye dahil baka mabigyan na naman daw ng ibang kulay.

Basta aniya, masaya siya dahil naa-appreciate ni KC ang kanyang efforts. Anyway, mabilis na ang mga kaganapan sa seryeng Honesto, unti-unti nang nabubunyag ang mga lihim ng mga kontrabidang sina Joel Torre at Nonie Buencamino.

Mabuking na kaya ni Honesto (Raikko Mateo) na hindi talaga lumpo si Governor Hugo (Joel) at gusto lang magpaawa? Malaman na rin kaya ni Diego (Paulo) na anak niya si Honesto ngayong isa-isa nang bumabalik sa kanyang alaala ang nakaraan?

Kasama pa rin sa Honesto sina Janice de Belen, Eddie Garcia, Angel Aquino, Melissa Ricks, Joseph Marco, Melai Cantiveros, Jason Francisco, at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon nina Jerry Sineneng at Tots Sanchez-Mariscal.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending