IKA-3 SUNOD NA PANALO TUTUMBUKIN NG MIXERS | Bandera

IKA-3 SUNOD NA PANALO TUTUMBUKIN NG MIXERS

Barry Pascua - December 27, 2013 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
5:45 p.m. Barako Bull vs Rain or Shine
8 p.m. Alaska Milk vs SanMig Coffee
Team Standings:  Barangay Ginebra (8-1); Petron Blaze (7-2); Talk ‘N Text (6-2); Rain or Shine (5-3); Globalport (4-5); SanMig Coffee (3-5); Alaska Milk (3-6); Barako Bull (3-6); Meralco (3-6); Air21 (2-8)

IPAGPAPATULOY ng SanMig Coffee ang pag-angat sa standings sa pagtutunggali nila ng Alaska Milk sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang alas-8 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa unang laro sa ganap na alas-5:45 ng hapon ay magkikita ang Rain or Shine at Barako Bull na kapwa umaasam ng ikalawang sunod na tagumpay.

Ang Mixers ay galing sa dalawang sunod na panalo laban sa Barako Bull (90-88) at Globalport (83-80) upang umangat sa 3-5 karta. Sa kabilang dako, ang Aces ay bumagsak sa 3-6 matapos na matalo sa nangungunang Barangay Ginebra San Miguel, 96-89.

Kahit na nagkaroon ng winning streak sa unang pagkakataon sa season, sinasabi ni SanMig coach Tim Cone na marami pang improvements ang kailangan sa kanyang koponan.

“We keep on making things difficult for ourselves. But there’s hope,” sabi ni Cone.

Sinimulan ng SanMig Coffee ang season nang maraming manlalaro ang nasa injured list. Sa pagbabalik sa active duty nina James Yap, Peter June Simon at Joe Devance ay umaasa si Cone na magpapatuloy ang kanilang pag-angat.

Wala namang pagbabagong naganap sa lineup ng Alaska Milk subalit nagtataka si coach Luigi Trillo kung bakit hindi sila makaarangkada nang maayos.

“We just have to keep on plugging and find ways to win,” ani Trillo.

Si Trillo ay patuloy na sumasandig kina Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Sonny Thoss, JVee Casio at Dondon Hontveros.

Ang Rain or Shine at Barako Bull ay kapwa galing sa panalo. Pinatid ng Elasto Painters ang seven-game winning streak ng Petron Blaze, 99-95, noong Sabado upang manatili sa ikaapat na puwesto sa record na 5-3. Pinatid naman ng Energy ang kanilang six-game losing skid nang iposte nila ang ikatlong panalo laban sa Meralco, 99-86, noong Linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending