Marian hindi makasundo ang mga kapatid ni Dingdong
Na-bother ang isang fan ni Marianita when somebody tweeted yata na hindi makasundo ng dalaga ang mga kapatid ni Dingdong Dantes.
The fan was disturbed nang malaman niya ito, as if meron siyang karapatang mag-react.
Ang isang blogger naman na maka-Marian ay nagpayo na deadmahin na lang ang nalaman ng fan at ‘wag nang bigyan ng pansin ang chismis.
Napapansin lang namin ito ha, parang lahat ng kibot ni Marianita ay talagang isinusulat ng isang blogger. Panay rin ang pagtatanggol niya sa dyowa ni Dingdong. Ang dating tuloy sa amin ay suwelduhan siya ng Kapuso actress kaya ganoon na lang ang kanyang pagtatanggol.
Actually, hindi naman karespe-respeto ang blogger na ito. Kabilang siya sa mga bloggers na walang dating dahil basura ang mga isinusulat. Sa dalawang artista lang yata umiikot ang kanyang pahina. At lahat ng kanyang isinusulat ay pawang press release sa kanyang IDOLS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.