Mega nangako kay KC, maghahakot ng mga manonood sa ‘Boy Golden’
“HE who lives bt the gun dies by the gun!” Iyan ang motto ng mga gangster movies na pinagbibidahan ng mahal nating si Gov. ER Ejercito a.k.a. Jeorge Estregan tulad ng “Asiong Salonga” two years ago at ito ngang “Shoot To Kill: Boy Golden” na official entry niya sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
“Dapat lang din talagang may morale of the story sa mga ganitong klaseng ng pelikula. Action-packed na pero may natututunan ang ating mga moviegoers.
Sa social media ay lumalabas talaga na mahilig ang mga tao sa action films and since nalilinya tayo rito, lalo na sa mga true-to-life accounts ng mga sikat na personalities in the past, we made sure na malinaw ang aming pakay. That he who lives by the gun dies with the gun.
“Maganda ang ‘Boy Golden’, hindi lang ang lalaki ang bida rito, pati ang girlfriend niya. Kaya kinuha namin si KC Concepcion dahil perfect sa kaniya ang role ng girlfriend ni Arturo Porcuna alyas Boy Golden.
Hindi na kami nahirapang kunin si KC dahil pareho kaming Viva artist. Magaling din si KC, kaya sabi ko nga, pag hindi siya nanalong Best Actress dito, malamang dinaya.
Ha-hahaha!” ani Gov. ER na naging panauhin namin ni Papa Ahwel Paz sa “Mismo” program namin sa DZMM a few days ago.
Bukas ng gabi (Dec. 23) ay magsasama-sama ang cast and crew ng “Shoot To Kill: Boy Golden” sa tatlong butas ng sinehan ng SM Mall of Asia para sa premiere night ng said movie.
Sayang lang at hindi ako tiyak aabot sa panonood ng film dahil meron akong radio program sa gabi at hahabol na lang ako rightafter ng show ko.
Sa regular showing ko na lang panonoorin ang pelikulang ito, hindi ko ito puwedeng palagpasin dahil maliban kina Gov. ER and KC, kasama rin sa movie ang mga idolo nating sina Eddie Garcia, Tonton Gutierrez, John Estrada at marami pang iba.
Lalo pa’t ang direktor nito ay si Chito Roño na sobra naming iginagalang. Kaya kung gusto ninyong manood ng premiere night ng “Boy Golden” bukas ng gabi, kailangang maaga kayong pumunta sa SM Mall of Asia dahil tiyak na siksikan ito. And take note, ang kumanta ng theme song nito ay ang guwapong-guwapong si Abra. See yah around, OK?
Speaking of KC, siyempre, proud na proud sa kanya ang kanyang Megastar mom na si Sharon Cuneta dahil isa na siyang versatile actress. Napakalakas kasi ng kayang loob na mag-try ng iba’t ibang role.
Tulad nga rito sa MMFF entry nila ni Gov. ER, nagpaka-action star naman siya rito. Sabi nga ni KC, “I think she’s proud that naka-work ko na si Chito Roño. I think she’s excited for me as an actress.
“Sa totoo lang po, simula po Huwag Ka Lang Mawawala, doon ko naramdaman na talagang pati nanay ko, tinanggap niya ako bilang aktres. Napakalaking bagay po sa akin noon,” ayon pa sa dalaga.
Nangako pa raw sa kanya si Mega na all-out ang support niya sa kanilang MMFF entry, “Siyempre, paulit-ulit ko siyang nire-remind sa kanya, ‘Ma, ha, December 25.’ Sabi niya, magpapa-reserve daw siya ng maraming seats, marami raw siyang dadalhin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.