Sarah G. kay Matteo: Napakasarap niyang kausap, maraming kuwento! | Bandera

Sarah G. kay Matteo: Napakasarap niyang kausap, maraming kuwento!

Ervin Santiago - December 22, 2013 - 03:00 AM


KAHIT hindi aminin ni Sarah Geronimo, tiyak na mainit ngayon ang kanyang Pasko, kitang-kita sa kanyang mga mata ang kakaibang kaligayahan – at tiyak naming isa sa mga dahilan ng napakagandang aura niya ngayon ay ang rumored boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

Kahit anong pilit ang gawin ng press kay Sarah na magdetalye tungkol sa estado ng relasyon nila ni Matteo ay talagang ayaw nitong magsalita, mukhang desidido na siyang ilihim ang kanyang love affair sa publiko.

Sa isang interview, sinabi ng Pop Princess na tulad ng dati, meron o walang dyowa, siguradong magiging masaya ang kanyang Christmas this year.

“Dapat naman talaga laging mainit unang una sa lahat. Ha-hahaha! Mainit dahil talagang blessed na blessed tayo. Ang daming pinagdaanan ng mga kababayan natin sa Tacloban at sa ibang parte pa ng Pilipinas.

“So, wala talagang rason, kung meron ka mang konting hinihingi pa, dapat hindi na yun maging sagabal para sabihin mo na ang lamig ng Pasko mo or ang lungkot ng Pasko mo.

So thankful ka na lang talaga sa lahat ng blessings,” positibong pananaw ng TV host-actress-singer. Sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa buhay niya ngayong taon, sinabi ni Sarah na mas marami pa rin siyang blessings ba natanggap, isa na nga riyan ang muling pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN, “Blessed na taon ito, ang daming challenges.

Siyempre as always parte naman yun pero masayang masaya kasi mag-e-end ako ng taong ito na masaya. “May mga pinagdaanan pero ang importante buo ang pamilya ko, buo ako at ayun.

Siyempre, hindi naman natatapos yung mga learnings natin no. Sa The Voice yung pagiging mentor ko du’n ang dami kong natutunan, yung pakikipag-socialize sa mga tao at siguro yung pag-express ng thoughts at emotions mo.

“Importante na nakikinig ka rin sa opinion ng ibang tao pero importante din na dapat nagiging totoo ka. Importante na totoo ka sa sarili mo,” sey pa ni Sarah sa interview ng ABS-CBN.

At tungkol nga sa napapabalitang boyfriend niya na si Matteo, na hindi pa rin maamin-amin sa publiko, “Okay naman po. Ha-hahaha! Masarap siya kausap.

Maraming kuwento, ayun po,” na sinundan uli ng dalaga ng kanyang malutong na halakhak. Sey pa ng Pop Princess, hangga’t maaari ay gusto niyang gawing pribado ang kanyang lovelife, “Oo naman, lahat naman po tayo gusto private di ba po?

Sana, para iwas intriga na rin po.”  Natanong din siya kung ano ba ang Christmas gift niya para sa kayang sarili, “Materyal? Wala naman.

Siguro kung may magustuhan lang ako pero wala naman akong particular thing in mind. Siguro ang regalo ko para sa sarili ko na mag-travel ulit.

Marami pang bansa eh, gusto kong mag-Africa. Sana sina KC (Concepcion) at teacher Georcel (G-Force) pa rin makasama ko or puwede namang maiba din naman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending