SSS disability benefit nahinto | Bandera

SSS disability benefit nahinto

Lisa Soriano - December 21, 2013 - 03:20 PM

BIBIGYANG-daan natin ang liham ni Luzviminda Rivera ng Tacloban City hinggil sa Social Security System disability benefits ng kanyang mister na si Benedicto Dulay Rivera na may SSS No. na 06-1465891-6.

Noong Nobyembre 2012, kwento ni Luzviminda ay hindi na nakatanggap muli ng benepisyo ang mister sa kadahilanan may ibang tao ang gumagamit ng kanyang SSS number.

Hindi pa raw ito nareresolba ng SSS kayat natigil ang pagdating ng benepisyo ng mister.

Walang ibang pinagkukunang kita ang mister ni Luzviminda dahil sa baldado ang kalahating katawan nito simula pa noong Mayo10, 2009.

Apat ang kanilang anak, at kadalasan ay kinakapos sila sa pagkain. Hindi na rin sila makabili ng maintenance ng mister.

Tanging paglalaba lamang ang kabuhayan meron ang pamilya.

Ayon pa kay Luzviminda, ang kapangalan ng mister niya ay mula sa Lapu-lapu City, Cebu.

REPLY: Ito po ay tugon sa liham ni Gng Luzviminda Rivera hinggil sa natigil na disability benefit na tinatanggap ng kanyang asawa.

Base sa aming record, nabigyan ng partial permanent disability benefit si G. Benedicto Rivera noong September 2009. Ang benefit na ito ay naaprubahan para sa 38 buwan, kung kaya’t nakatanggap ng pension si G. Rivera mula September 2009 hanggang Oktubre 2012.

Mayroong dalawang klase ng disability benefits: ang partial permanent at ang total permanent. Ang partial permanent ay hindi panghabambuhay at ang dami ng buwan na ito ay maaaring ibigay base sa klase ng pagkakasakit. Samantala, ang total permanent disability ay ibinibigay ng panghabambuhay.

Ito ay matitigil lamang kung sakaling gumaling sa pagkabalda ang member.

Dahil partial permanent disability benefit ang natanggap ni G. Rivera, tumigil ang pagtanggap niya nito matapos ang 38 months, at hindi po sa kadahilanang may ibang taong gumagamit ng kanyang SSS number ka-tulad ng sinabi ng kanyang asawa sa kanilang sulat.

Sa kasalukuyan, naaprubahan na ng SSS ang total permanent disability claim ni G Rivera at naka-withdraw na siya ng kanyang pension mula noong December 5, 2013.
Ito ay patuloy niyang matatanggap buwan-buwan hanggat siya ay hindi gumagaling sa kanyang sakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ng mag-asawang Rivera.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
May Rose DL
Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE.
Kakampi mo! Maaasahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending