Sigaw ng mga magulang ni Claudine: Greta sinungaling!
Humabol pa sa Kapaskuhan ang pag-upo ni Gretchen Barretto bilang witness ni Raymart Santiago kontra kay Claudine. Wala si Claudine nu’ng mismong pagdinig ng kaso, ang abogado lang ng aktres ang nandu’n, kaya hindi sila nagtagpo ni Gretchen.
Kasama ring dumating ni Gretchen sa Pasig-RTC ang kanyang kapatid na si Jay-Jay, silang dalawa ang bukas ang bibig kahit nu’ng una pa man tungkol sa mga hindi kagandahang gawain ni Claudine, kaya lumalabas na parang kakampi nila sa labanang ito ang kanilang bayaw na si Raymart.
Pero ang sabi ni Gretchen, “I love my sister very much, kung hindi ko siya mahal, e, wala siguro ako dito ngayon.” Ayon pa sa sopistikadang aktres (na pagkaganda-ganda sa kanyang puting polo at simpleng ayos lang) ay hindi siya nagpunta du’n para ipahiya ang kanyang bunsong kapatid, pumayag siyang mag-witness para kay Raymart dahil gusto lang niyang ilabas ang katotohanan, hindi siya kailanman pinilit ng aktor para maupong saksi sa pinagtatalunang kaso ng mag-asawa.
At may rebelasyon pa si Gretchen tungkol sa kanilang mga magulang na sina Daddy Mike at Mommy Inday Barretto. Nang malaman daw ng kanyang ama na uupo siyang witness, pati si Marjorie, ay nagsabi ang kanyang ama ng “I will kill them.”
Nang malaman daw naman ni Daddy Mike na magwi-witness din si Jay-Jay ay sinabi nito na “I will shoot him.” Pinabulaanan naman ng mag-asawa ang mga sinabi ni Gretchen.
Mainit pa rin ang labanan sa pagitan nina Gretchen at Claudine, nasa magkabilang ibayo pa rin sila, matindi ang galit ni Gretchen kay Claudine at ganu’n din ang nakababatang aktres sa kanya.
Nilinaw naman ni Raymart na kailanman ay hindi nito pinilit na mag-witness si Gretchen para sa kanyang panig, ‘yung totoo lang daw ang sinabi nito kay Gretchen, ‘yun lang ang gusto nitong lumabas sa husgado.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.