Claudine nagreklamo sa korte, pagtestigo ni Grechen binira
INIREKLAMO ng kampo ni Claudine Barretto ang pagdinig sa kasong Permanent Protection Order na isinampa niya laban sa dating asawang si Raymart Santiago.
Nangyari ang hearing nu’ng isang araw sa Marikina Regional Trial Court na dinaluhan ng kampo ni Raymart Santiago, naging kontrobersiyal nga ito dahil sa pagdalo ng mga kapatid ni Claudine na sina Gretchen at JayJay Barretto na tumayong mga saksi sa kaso.
Ayon sa ulat, nagpadala raw ng abiso ang abogado ni Claudine sa korte na hindi makakarating ang aktres sa itinakdang hearing dahil sa mga hindi maiiwasang pangyayari.
Sabi ng abogado ni Cludine na si Atty. Ferdinand Topacio, pinadalhan nila ng request for postponement si Judge Geraldine Fiel-Macaraig ng Branch 192.
Ayon sa legal counsel ng aktres, nagkasakit daw kasi siya at ang isa namang abogadong kasama niya ay may dinaluhang isa pang hearing.
Sey pa ng abogado, ang naganap na hearing noong isang araw ay labag sa mga karapatang pantao ni Claudine. Tumanggi naman itong magkomento sa mga naging pahayag ni Gretchen sa korte.
Nanindigan naman ang kampo ng aktres ng gagawin nila ang lahat para ipaglaban ang karapatan ni Claudine. Narito ang ilang bahag ng official statement ng lawyer ni Claudine: “Labis kaming nababahala sa mga pangyayaring naganap ngayong umaga sa sala ni Judge Geraldine Fiel-Macaraig tungkol sa kaso ni Ms. Claudine Barretto.
“Ang pangyayaring ito ay hindi pangkaraniwan at labag sa mga karapatan ni Bb. Barretto, at aming mariing isinusumpa na aming gagawin ang lahat ng remedyong legal upang ipaglaban ang mga karapatan ni Bb. Barretto.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.