Daniel, Kathryn tagung-tago ang relasyon, may kinatatakutan | Bandera

Daniel, Kathryn tagung-tago ang relasyon, may kinatatakutan

Ervin Santiago - December 19, 2013 - 03:00 AM


Hindi na maitatago nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang tunay nilang relasyon. Kahit na hindi sila umamin, kitang-kita sa mga kilos at galaw nila na seryoso na ang kanilang pagmamahalan.

Marami na ang nagpapatunay na matagal nang magdyowa sina DJ at Kath, maaaring ayaw lang nila itong ibandera sa buong mundo para makaiwas sa intriga.

E, kasi naman, sa showbiz, kapag umamin na ang dalawang artista na magdyowa na, ang susunod na niyan ay ang paghihiwalay.

Kaya siguro may usapan na sina Daniel at Kathryn na ilihim na lang muna ang kanilang relasyon para hindi sila manega. dahil tiyak na kapag nalaman na ng buong mundo na sila na, magiging magulo at maintriga na ang kanilang pagsasama.

Marami ang nakapanood sa guesting nila sa Gandang Gabi Vice noong Linggo para sa promo ng MMFF 2013 entry nila na “Pagpag” showing on Dec. 25 directed by Frasco Mortiz, at lahat sila ay nagsasabi na ibang level na ang special friendship nila.

In fairness, ang daming kinilig sa episode na ‘yun ng GGV, ha!  Samantala, bukod sa kilig factor ng pelikula nina Daniel at Kathryn sa “Pagpag,” tiyak daw na mamamaos kayo sa kasisigaw sa mga katatakutang eksena rito.

Sabi nga ni direc Frasco, “May mga nanakot, may suspense, may kaunting comedy tapos siyempre, may kilig between Kathryn and Daniel.”

“‘Pagpag’ is about a group of teenagers who refuse to believe the Filipino superstition of shaking off evil spirits after visiting a wake. May mga na-violate sila sa lamay na mga pamahiin nating mga Pinoy…tapos hindi sila nagpag-pag before umuwi.

Hindi sila naniwala na dapat magpagpag kayo pag galing kayo ng burol,” anang direktor. Dagdag pa niya, “‘Yung pagka-horror niya kasi, hindi naman siya parang ‘Feng Shui’ (ni Kris Aquino) na parang hardcore na horror.

Siyempre dahil medyo bata ‘yung audience namin, mga teenagers ganu’n.” Kasama rin dito sina Paulo Avelino, Nikki Gil, Shaina Magdayao, Janus del Prado at Miles Ocampo. This is under Star Cinema and Regal Entertainment.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending