Barangay Ginebra, Air21 magtutuos | Bandera

Barangay Ginebra, Air21 magtutuos

Barry Pascua - December 18, 2013 - 03:00 AM


Mga Laro Ngayon
(Mall Of Asia Arena)
5:45 p.m. Air21 vs. Barangay Ginebra
8 p.m.  Alaska Milk vs. Meralco

PATITIBAYIN ng Barangay Ginebra San Miguel ang kapit sa ikalawang puwesto sa pagharap nito ngayon  sa Air21 sa   PLDT myDSL PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ikalawang laro sa ganap na alas-8 ng gabi ay magkikita ang Alaska Milk at Meralco Bolts.Ang Gin Kings ay nakabawi na sa 100-87 pagkatalo sa Meralco noong Disyembre 3 sa pamamagitan ng pagposte ng back-to-back na panalo kontra Talk ‘N Text (97-85) at Barako Bull  (85-79).

Sa dalawang panalong ito ay malaki ang naitulong  para sa Gin Kings ng twin towers nilang  sina Japeth Aguilar at rookie Gregory Slaughter.

Kontra Tropang Texters, si Aguilar ang nagbuslo ng game-winning three-point shot sa huling segundo. Laban sa Energy, si Slaughter ay nagtapos nang may 15 puntos at 15 rebounds.

Ang iba pang nag-ambag ng malaki ay sina Mac Baracael, LA Tenorio at Chris Ellis. Ang mga panalo’y naitala kahit pa hindi sumingasing sa opensa sina Mark Caguioa at Jayjay  Helterbrand na kapwa galing sa injury.

Matapos naman ang 92-77  panalo kontra Barako Bull ay muling natalo ang Air21 sa Petron (90-88) at bumagsak sa  1-6 baraha.
Ang Express ay pinamumunuan nina   Paul Asi Taulava, Mark Cardona, Joseph Yeo, Nino Canaleta at Vic Manuel.

Ang Meralco ay galing sa 77-73 pagkatalo sa Petron Blaze sa kanilang out-of-town game sa Dipolog City nitong Sabado.
Patuloy na nami-miss ng Bolts sina Cliff Hodge at Kerby Raymundo subalit nakakakuha naman ng magandang numero buhat kina John Wilson, Jared Dillinger at Reynell Hugnatan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending