Cesar malamig ang Pasko: First time kasi na wala ang asawa ko! | Bandera

Cesar malamig ang Pasko: First time kasi na wala ang asawa ko!

Ambet Nabus - December 18, 2013 - 03:00 AM


NAKAGAWA ng mga kanta si papa Buboy (Cesar Montano) after ng Bohol tragedy na malamang ay gawin niyang album next year.

Napakinggan at pinatugtog na namin sa aming DZMM radio show na “Chismax” ang “Paano Na Ang Pasko” at “Pilipinas”, at talaga namang inspiring ang mga lyrics nito with his very soothing voice and  cool rendition.

Though Bohol-inspired ang “Paano Na Ang Pasko”, hindi mo puwedeng balewalain ang bawat salita at emosyon ng kanta na maaari ring ikonek sa tunay na buhay ni Buboy na hindi makakasama ngayong Pasko ang babaeng pinakasalan niya, kaya’t nang diretsong tanungin ng partner kong si Gretchen Fullido ang aktor-direktor-singer-composer, mabilis nitong tinuran na wala na silang komunikasyon ng dati niyang asawang si Sunshine Cruz.

“Nakakapanibago nga ang Paskong darating dahil first time talaga na hindi kami buo. But life has to go on. Ang mas mahalaga, yung mga anak namin ay makakasama at mapapasaya namin ngayong Christmas.

Para sa kanila naman talaga ang mga ganitong okasyon,” sey nito. Nakatakdang idirek ni Buboy ang Iglesia Ni Cristo movie na “Huling Sugo” pero aniya,  “Huwag muna nating pag-usapan dahil baka mabulilyaso.”

Malamig ang Pasko at wala raw siyang lovelife ngayon pero happy siya sa pagpapapayat at paglikha ng mga kanta, plus his regular teleserye sa GMA 7 na Akin Pa Rin Ang Bukas.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending