Andi magiging maligaya ang Pasko kahit walang bagong boyfriend
GUSTUNG-GUSTO nang mag-Pasko ng Galema: Anak ni Zuma star na si Andi Eigenmann dahil balak niya itong ipagdiwang kasama ang “most special someone” niya—ang kanyang 2 taong gulang na baby girl na si Ellie.
“Hindi na ako makapaghintay na i-celebrate ang Christmas kasama ang aking love, si baby Ellie,” masayang pahayag ni Andi.
“Dahil sa anak ko, magiging mas masaya na at makahulugan ang holidays ko.
Ito ang first Christmas na maaalala niya kaya sobra na akong excited na ilabas siya at magsimula ng bagong Christmas traditions kasama siya,” ani Andi.
Katulad ng ibang Pilipino na humarap ng mabibigat ng pagsubok ngayong taon, mas gusto ni Andi na manatiling positibo sa buhay.
“Anumang hirap ang pinagdaanan natin nitong mga nakaraang buwan, walang dahilan para hindi natin i-celebrate ang pagdating ni Jesus Christ.
Alam dapat nating may brighter days pa ring darating sa ating lahat at hindi dapat tayo humihintong magpasalamat sa Kanya,” dagdag pa niya.
Samantala, patuloy na subaybayan ang mas malalaking rebelasyon sa Galema: Anak ni Zuma lalo na ngayong nagsimula nang lumabas ang tunay na kulay ng mga taong nakapaligid kay Galema (Andi).
Anong mga bagong masasamang plano ni Zuma (Derick Hubalde) laban sa kanyang anak na si Galema? Anong gagawin ni Morgan (Matteo Guidicelli) para mapatawad siya ni Galema na labis niyang minamahal?
Kaya huwag na huwag palampasin ang Galema: Anak ni Zuma, tuwing hapon pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.