Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum)
5:45 p.m. SanMig Coffee vs Barako Bull
8 p.m. Talk ‘N Text vs Rain or Shine
Team Standings: Petron Blaze (7-0), Barangay Ginebra (5-1), Rain or Shine (4-2), Globalport (4-3), Talk ‘N Text (3-2), Meralco (3-4), Barako Bull (2-4), Alaska Milk (2-5), SanMig Coffee (1-5), Air21 (1-6)
APAT na koponang galing sa pagkatalo ang pilit na magbabawi sa magkahiwalay na laro sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Magkikita ang SanMig Coffee at Barako Bull sa ganap na alas-5:45 ng hapon samantalang magtutuos ang defending champion Talk ‘N Text at Rain or Shine sa alas-8 ng gabi na main game.
Ito ay rematch ng mga finalists ng Philippine Cup noong nakaraang season kung saan winalis ng Tropang Texters ang Elasto Painters, 4-0, para sa kanilang ikatlong sunod na all-Filipino title.
Ang Talk ‘N Text ay galing sa 97-95 pagkatalo sa Barangay Ginebra San Miguel dalawang Linggo na ang nakalilipas. Sa gabi ring iyon ay naungusan ng Globalport ang Rain or Shine, 90-88. Ang Talk ‘N Text ay may 3-2 record samantalang may 4-2 kartada ang Rain or Shine.
Bago ang mga kabiguang iyon, ang Tropang Texters at Elasto Painters ay nakapagposte ng back-to-back na panalo.
Ang Talk ‘N Text, na naghahangad ng makasaysayang ikaapat na sunod na all-Filipino title, ay isang malusog na team na pinamumunuan nina Jason Castro, Kelly Williams, Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo at Larry Fonacier.
Idinagdag ni Tropang Texters coach Norman Black sa lineup ang mga rookies na sina Eliud Poligrates at Robby Celiz at free agent Danny Seigle.
Ang Rain or Shine at sumasandig sa mga Gilas Pilipinas members na sina Gabe Norwood, Keff Chan at Beau Belga kasama nina Paul Lee, Ryan Araña at Chris Tiu.
May tatlong rookies naman ang Elasto Painters sa katauhan nina Raymond Almazan, Alex Nuyles at Jeric Teng. Ang SanMig Coffee, na nagkampeon sa nakaraang Governors’ Cup, ay may iisang panalo sa anim na laro.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.