KC naging katakam-takam dahil kay ER Ejercito | Bandera

KC naging katakam-takam dahil kay ER Ejercito

Jobert Sucaldito - December 17, 2013 - 03:00 AM


Ngayong tanghali ay haharap sa isang malaking thanksgiving presscon ang mga bida ng pelikulang “Shoot To Kill: Boy Golden” na sina Gov. ER Ejercito a.k.a. Jeorge Estregan, Jr. and the very beautiful KC Concepcion sa media.

Napakarami ng taga-press ang super-excited na makatsikahan ang dalawa dahil marami raw silang mahahalagang issues na gustong itanong.

Pareho kasing controversial ang dalawa nating bida na talagang namang tiklop pareho sa direktor nilang si Chito S. Roño. Hindi sila tinantanan ni direk Chito hangga’t hindi matapos ang mga eksena nila sa pelikula.

Nakakakaba nga nung una ang pelikulang ito eh, akala namin ay hindi matatapos on time kasi nga, may kaniya-kaniyang skeds ang dalawang bida, parehong super-busy sila.

Si Gov. ER ay hands-on governor pa naman ng Laguna kaya hindi talaga kinayang kainin ng shooting ang weekdays niya. Si KC naman ay sumama sa kaniyang Megastar mom (Sharon Cuneta) sa series of shows nito abroad, almost two weeks din pala siyang nawala sa ating bansa.

Hay naku, mabuti naman at natapos din ang pelikula – puyatan kung puyatan – hindi puwedeng mabitin at magagalit sa kanila si direk Chito. Thank God at heto na tayo – magsasama na sa isang malaking press conference today.

“Hanep ang kaseksihan ni KC sa trailer ng movie, nakaka-turn on talaga siya. Whew!” sabi ng isang barkada naming non-showbiz guy na super-guwapo.

Minsan lang daw siya na-turn on sa artistang babae – dito raw kay KC niya gustong bumigay. Gosh! Tanungin muna kaya niya si KC kung gusto ring bumigay sa kaniya. Ha-hahaha!

“Mahilig kasi ako sa gangster films eh, kaya tuwang-tuwa ako nang malaman kung natuloy itong ‘Boy Golden’. Fan talaga ako ni Gov. ER kahit noon pa, kahit nu’ng simpleng Jeorge Estregan, Jr. pa lang siya.

Galing niyang kontrabida talaga. Kaya lahat ng entries ni Gov. ER nitong nakaraang dalawang MMFF ay hindi ko pinalagpas. Idol ko kasi siya, grabe!

“Kaya iyon ang una kong pinapanood. Pag may chance, tsaka na lang ako sumisilip sa ibang entries pero yung kay Gov. ER muna talaga ang pinapanood ko,” ani Briane Alejandria na grabe ang suporta sa mga projects ni ER.

Kami rin naman eh, mga movies lang ni Gov. ER ang pinapanood namin sa MMFF dahil unang-una hindi naman talaga kami mahilig magsine.

Ha-hahaha! Kasi nga, may katuturan ang mga pelikula ni Gov. ER – yung “Asiong Salonga” niya at “El Presidente”, mga award-winning. Ganda ng mga istorya at pagkagawa.

Mga quality films sobra kaya sarap panoorin. Kaysa manood ng ibang basura entries diyan, it’s just a waste of time and money actually.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending