Bossing ipinagmalaki si Pauleen: Tapos na ako sa Morena, Mestisa na ngayon! | Bandera

Bossing ipinagmalaki si Pauleen: Tapos na ako sa Morena, Mestisa na ngayon!

Ervin Santiago - December 16, 2013 - 03:00 AM

NAG-TRENDING sa mga social media ang naging guesting ni Vic Sotto sa “Ikaw Na” segment ni Boy Abunda sa Bandila noong Biyernes bilang bahagi ng promo ng “My Little Bossings” showing on Dec.25. For the first time kasi ay diretsahan nang inamin ni Bossing na ang pangalan ni Pauleen Luna ng babaeng nakaukit ngayon sa puso niya.

In fairness, maraming kinilig sa nasabing interview dahil napakatotoo raw ni Vic at talagang proud na proud siya ngayon sa kanyang girlfriend, hindi tulad noon na pigil na pigil ang kanyang damdamin tungkol kay Pauleen.

Naniniwala kami na kumuha lang ng tamang tiyempo si Bossing para maibandera ang pagmamahal kay Poleng dahil nga alam naman ng lahat ang layo ng kanilang edad – 60 na si Vic sa April, 2014 samantalang 26 naman si Pauleen, 34 years ang agwat ng kanilang edad.

Tinanong ni Boy Abunda si Vic kung may pangarap pa ba ang TV host-comedian na hindi pa natutupad, ang tugon ni Bossing,hindi raw siya yung tipong dreamer, “I’m a lover,” biro niya.

Hirit pa ng komedyante, “I’m a lover of life, I’m a lover of people, I’m a lover of nature.” Tungkol naman sa pinakaimportanteng aral na natutunan niya, “You really have to give all, for you to receive all.

Totoo yung ‘it’s a two-way street,’ e. ‘Yan yung sinulat ni Pareng Joey (de Leon) na ‘Awitin Mo, Isasayaw Ko,’ e.” Sinundan pa ito ni Vic ng pagkanta, “Ang isang pag-ibig ay parang lansangan na pandalawahan, kaya’t sa ating puso tayo ay magmahalan.

Ah-ha-ha, awitin mo at isasayaw ko.’ At totoo yun. Marami naman ang natawa sa Fast Talk portion ng segment, isa sa mga tanong kay Vic ay kung ano ang pipiliin niya: morena o mestiza.

Sey niya, “Mestiza.” Depensa agad ni Bossing, “Tapos na ako sa morena, e. Wala na yung morena e, mestiza naman.”
Siyempre sino pa ba ng mestiza kundi si Poleng at tiyak naming si Pia Guanio naman ang morena.

Tumagal ng limang taon ang relasyon nina Vic at Pia na natapos noong 2010, pero nananatiling magkaibigan ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

At para sa pagtatapos ng segment ni Boy Abunda, “Huling katanungan, kung bubuksan ko ang iyong puso ngayon, anong pangalan ng babae ang nakasulat?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napangiti muna si Bossing sabay sabing, “Tinatanong mo pa?” Na sinagot naman ni Boy, “Oo nga, dapat hindi na tinatanong.”
Pero biglang humirit si Vic ng, “Sagutin ko na rin—Pauleen.”

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending