Roxanne tinarayan ang movie press | Bandera

Roxanne tinarayan ang movie press

- September 03, 2009 - 03:15 PM

Ipalalabas na ang Florinda na isang taon at kalahati ring nakatago sa baul ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Maricel Soriano kasama sina Nikki Gil, Jay Manalo at Roxanne Guinoo.
Sa napanood naming trailer ng Florinda ay parang worth it naman ang matagal na paghihintay ng mga manonood, maganda ang pagkaka-direk ni Rahyan Carlos. Ayon sa director, napakaraming twist sa istorya ng Florinda kaya kailangan n’yong subaybayan mula sa simula hanggang ending, simula sa Sept. 7.
At dahil present si Roxanne sa presscon ng Florinda ay siya ang pinagtatanong ng lahat dahil ngayon lang ulit siya nakita ng press. Totoo bang namimili na siya ng projects ngayon at gaano katotoo ang balitang hindi siya masyadong binibigyan ng trabaho sa Dos dahil sa kanyang attitude problem?
Gusto naming ikuwento kung paano tumakbo ang interbyuhan ng  press kay Roxanne na naging dahilan para mapaiyak at magtaray ito. Mga ilang tanong na ang naibabato sa kanya ng movie press tungkol sa Florinda, ang ilan nga sa mga sagot niya ay may halo nang pagtataray, pero dinedma lang siya ng mga nag-iinterbyu sa kanya. Pero talagang na-shock ang lahat nang biglang mag-dialogue ang aktres ng,  “May pahabol po? Handa pa po akong sumagot? Tuluy-tuloy na natin ito, dali na! Saksakin na po ninyo ako?” nakatawang panghahamon ni Roxanne.
Nu’ng kami na ang nagtanong, biglang humirit si Roxanne ng, “my favorite” na ikinagulat namin. Tinanong namin siya kung bakit niya kami favorite pero parang bingi-bingihan na siya. Tinanong namin ang tungkol sa pagiging pasaway niya. At mas lalo kaming naloka sa isinagot ng aktres na tumaas na ang boses, “Alam n’yo po, hindi naman po laging artista ang pasaway, aminin ninyo, kayo rin (entertainment press) pasaway.” Na sinagot naman namin ng, “Kaya nagiging pasaway kami kasi minsan hindi namin gusto ‘yung mga sagot ninyo at saka hindi ninyo inaamin ang totoo, kaya kami pasaway, fyi!”
“Siguro po, opo. Kaya po siguro kami nakakasagot ng ganu’n na para po sa inyo hindi po tama dahil nasasaktan din kami sa mga naa-accuse sa amin na alam naming hindi ho totoo,” mabilis na sagot sa amin ni Roxanne.
Sinundot namin ito ng, “Bago namin kayo ia-accuse o hindi namin kayo ina-accuse kung wala kaming nakikita.” At sinagot kami ni Roxanne ng, “Very well said, Ms. Reggee.”
Hindi na kami nag-take two ng tanong kay Roxanne dahil nakita naming pikon na pikon na siya, as usual. Naalala lang namin kung bakit kami sinabihan ng “my favorite” ni Roxanne, ‘yan ay dahil marami na kaming nasulat na isyu tungkol sa kanyang hindi kagandahang attitude. Marahil ay tinatandaan niya ang mga nasusulat namin kaya ganu’n na lang kung sagot-sagutin niya kami.

Reggee Bonoan, BANDERA Entertainment, September 3, 2009

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending