Hanggang ₱10M na: Pag-IBIG, tinaasan ang housing loan | Bandera

Hanggang ₱10M na: Pag-IBIG, tinaasan ang housing loan

- June 01, 2026 - 08:00 AM

Mas maraming Pilipino ang maaari nang makakuha ng mas malaking pondo para sa kanilang dream home matapos itaas ng Pag-IBIG Fund ang maximum housing loan nito sa ₱10 milyon.

Pag-IBIG Fund

Ayon sa Pag-IBIG, layunin ng hakbang na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming manggagawang Pilipino—lalo na ang mga naghahanap ng bahay o condo sa Metro Manila at iba pang urban areas—na makabili ng sariling bahay sa pamamagitan ng abot-kayang long-term financing.Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling na bahagi ito ng layunin ng pamahalaan na gawing mas accessible ang homeownership para sa mga Pilipino mula sa iba’t ibang income groups.Dagdag pa niya, makatutulong din ang mas mataas na loan limit para mabawasan ang mga bakanteng ready-for-occupancy condominium units sa Metro Manila at iba pang lungsod.Samantala, ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, nananatiling kabilang sa pinakamababang housing loan rates sa merkado ang inaalok ng ahensya. Aniya, maaari pa ring makakuha ang mga kwalipikadong miyembro ng loan na may bayaran na hanggang 30 taon.Binigyang-diin naman ng Pag-IBIG na ang pag-apruba ng loan ay nakadepende pa rin sa kakayahang magbayad ng aplikante, credit evaluation, appraisal ng property, at iba pang umiiral na patakaran ng ahensya.

ADVT.

This article is brought to you by Pag-IBIG Fund

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending