Gunshots umalingawngaw sa Senado sa gitna ng tangkang pag-aresto kay Bato dela Rosa

NAYANIG ang mga tao sa loob ng Senado matapos marinig ang sunud-sunod na gunshots na kinumpirma rin mismo ni Senate President Alan Peter Cayetano.
Ito ay kasunod sa chaotic attempt na arestuhin si Sen. Ronaldo “Bato” dela Rosa ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung kanino nagmula ang pagpapaputok ng baril at wala ring na-report na nasaktan o nasawi mula sa pangyayari.
Samantala, sa pamamagitan ng Facebook live ay inilahad ni Cayetano ang pangyayari matapos ang mga narinig na gunshots.
Baka Bet Mo: Bato dela Rosa napanaginipan si Duterte; nagyakapan, nagkaiyakan
“I don’t know what is happening. I do not know if I can keep my people safe here,” Cayetano said in a Facebook livestream from inside the Senate complex. “I’m willing to go out. I’m willing to face anyone who is going to serve the warrant … but do not do this,” saad ni Cayetano.
Bandang 8:30 nang gabi nang dumating sa Senado si Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla para siguraduhin ang seguridad ng mga senador st mga tao sa loob ng Senate building.
We do not know who are the perpetrators. We are here to secure the place,” saad ni Remulla.
Sinabi rin niya na hindi siya nagpunta para arestuhin si Dela Rosa.
Si Dela Rosa, dating pangunahing tagapagpatupad ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay nananatili sa Senado habang sinusubukan ng mga awtoridad na isilbi ang warrant laban sa kanya. Hinimok niya ang militar na pigilan ang mga pagtatangkang arestuhin siya at dalhin sa Netherlands upang litisin sa kasong crimes against humanity.
Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang hinihingi niyang temporary restraining order laban sa warrant ng ICC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
