Jake Cuenca ibinandera si Rabiya Mateo: Hard launch yarn?

PROUD na ibinandera ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca ang kanilang larawan together ng kanyang rumored girlfriend na si Rabiya Mateo.
Sa kanyang Instagram page ay makikita ang limang larawan nila na sobrang sweet at super dikit sa isa’t-isa.
Tanging heart emoji lamang ang caption ni Jake ngunit sapat na ito para ipahayag sa madlang netizens ang babaeng mahalaga sa kanya.
Sa comment section naman ay makikitang nag-reply si Rabiya ng kiss emoji.
Baka Bet Mo: Jake Cuenca umamin na, ‘exclusively dating’ with Rabiya Mateo
View this post on Instagram
Tila kuha ang larawan nina Jake at Rabiya sa nagdaang Miss Universe Philippines 2026 noong May 2, 2026 kung saan naging presenters sila.
Umani naman ng samu’t-saring komento mula sa mga kapwa celebrities at followers ang naturang post.
“happy for you kuya Edong,” pagbati ni JM de Guzman na nakasama ni Jake sa “What Lies Beneath”.
Saad naman ng isang netizen, “I just checked Rabiya’s account ang wholesome. Gusto ko ung sa beach lang sya half naked, that’s nice. Sana end game na tlaga to.”
“So happy for your heart, Jake,” sabi naman ni Hershey Neri.
“Infairness sobrang bagay nila. sana sila na talaga hanggang huli. Hard launch na yan?” hirit pa ng isang netizen.
Matatandaang kinumpirma na noon ni Jake na exclusively dating sila ni Rabiya ngunit wala pa silang kumpirmasyon kung magdyowa na nga ba sila ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
