Bato dela Rosa pumalag, sweldo sa nagdaang 6 buwan ‘di kinuha

NILINAW ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na hindi na niya natanggap ang kanyang suweldo sa anim na buwang pagliban sa mga sesyon sa Senado.
Sa isang panayam sa media nitong Martes, May 12, pumalag ang senador sa mga ibinabatong pahayag laban sa kanya.
“Kinukwestyon n’yo palagi ang sweldo ko, nahiya na ko talaga. Wala sa bokabularyo ko ang makinabang sa pera ng gobyerno,” saad ni Bato.
Nang tanungin kung paano niya nakukuha ang sahod sa mga nakalipas na buwan, inamin niyang dumadayo ang kanyang sekretarya sa Senado para makuha ito.
Baka Bet Mo: Bato dela Rosa barag na barag kay Bela Padilla: Why so hysterical?!
View this post on Instagram
“The past six months, hindi ko natanggap ang sweldo ko. Ang aking secretary, kinukuha ang sweldo, paano ko makuha eh wala ako dito. Pero nung later months na, hindi na niya kinukuha rin kasi nahiya na,” paliwanag ni Bato.
Ibinahagi rin ng senador na sa loob ng anim na buwan ay naging abala siya sa pagba-Bible study at naka-survive gamit ang nautang na pera.
Matatandaang emosyonal na dumating sa senado si Bato noong Lunes, May 11, matapos umanong harangin ng National Bureau of Investigation (NBI) bago pumasok sa sesyon.
“Hinaharang ‘di papasukin sa session. Noong ako’y absent, hinahanap ako ninyo, sumusweldo, hindi nagpapakita.
“Ngayon, papakita ako dito, hinarang ako. Ni-wrestling ako,” madamdaming saad ni Bato.
Kinagabihan ng Mayo 11, kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) ang arrest warrant laban sa senador.
Samantala, inilagay naman si Bato sa “protective custody” ng Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
