Ni Leifbilly Begas
HINDI tutol ang mga kritiko ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na pumunta ito sa ibang bansa upang makapagpagamot.
Pero hindi umano dapat gamitin ni Arroyo ang kanyang sakit upang matakasan ang mga kaso laban sa kanya, ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan.
“Well, it is a possibility that she could seek medical treatment abroad if needed. But she should come back to face charges. If she does not, that’s a sign of guilt,” ani Ilagan.
Hindi naman naniniwala si Speaker Feliciano Belmonte Jr., na tatakasan ni Arroyo ang mga kaso.
“It is perfectly okay for her to seek the best medical treatment here or abroad and she should,” ani Belmonte.
Wala namang nakikitang masama si Marikina Rep. Miro Quimbo kung magpapasuri si Arroyo sa ibang bansa.
“An accused prior to conviction is given the right to travel, especially for medical reasons. I will not blame GMA for seeking treatment abroad considering that she has gone through with her current doctors,” ani Quimbo.
Sabi naman ni CIBAC Rep. Sherwin Tugna “as long as the doctors who will give their medical findings and recommendations for GMA to go abroad are doctors with integrity, we have no choice but to allow medical treatment abroad.”
Matapos ang ikatlong operasyon ni Arroyo sa gulugod ay hindi pa rin ito nakaka-rekober.
Inamin na rin ng bayaw ni Arroyo na si Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo na hindi bumubuti ang lagay ng kanyang hipag at siya mismo ay pinapayuhan itong mag-abroad na muna at doon magpagamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.