Anne ang bantot-bantot pa rin ng imahe sa publiko | Bandera

Anne ang bantot-bantot pa rin ng imahe sa publiko

Cristy Fermin - December 12, 2013 - 03:00 AM


Walang nagawa ang milyun-milyong followers ni Anne Curtis para isalba ang kanyang pangalan at imahe sa pinakamatinding kontrobersiyang kinasangkutan niya.

Si Anne ang isa sa mga may pinakamaraming tagasuporta sa Twitter, milyon ang bilang ng kanyang mga followers, pero ngayon napatunayan na wala rin palang magagawa ang mga ito kapag nagkakaroon ng isyung matindi ang kanilang idolo.

Natakluban ‘yun ng opinyon ng mga manunulat, ng mga nakatutok sa social media, ng mga kababayan nating may presensiya ng pag-iisip sa paghihiwalay ng tama at mali tungkol sa isang kaganapan sa showbiz.

Anumang damage control ang gawin ng Viva Entertainment para linisin ang kanyang imahe ay walang nagawa ‘yun, ilang linggo pa ring pinagpipistahan ang kabalbalang ginawa niya nang malasing siya, hindi lang ang pananampal niya ang hindi nagustuhan ng mas nakararami kundi ang kanyang pagyayabang na kaya niyang bilhin ang mga taong nandu’n pati na ang mismong lugar na kinaroroonan niya.

Ipinagkaila man ni Phoemela Barranda ang kuwentong binulyawan at dinuru-duro ito ni Anne at sinabihang kaya itong bilhin pati na ang kanyang mga kaibigan at ang bar ay balewala ‘yun sa mga kababayan natin.

Paano mo nga naman paniniwalaan ang isang sinungaling na personalidad na tulad ni Phoemela na kinaya ngang ipagkaila na meron na itong anak sa pinakamahabang panahon?

Sana nga ay makabawi si Anne Curtis mula sa pagkatapilok na ito, huwag na sana siyang maglasing, at kung iinom pa rin siya ay alam niya dapat na ang alak ay sa tiyan lang inilalagay at hindi sa ulo.

At bantayan na sana niya ang kanyang bibig sa mga ganu’ng pagkakataon, walang lisensiyang magyabang ang isang lasing, alam ng nakainom kung ano-ano ang kanyang mga ginagawa at sinasabi na ang pagkakaiba lang sa isang normal na sitwasyon ay ang kadulasan ng dila at kakapalan ng mukha ng nasa ilalim ng ispiritu ng agua de pataranta.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending