Geneva Cruz college graduate na: 33 years in the making, but I did it!

FINALLY, natupad na ng actress-singer na si Geneva Cruz ang matagal na niyang pangarap na maka-graduate sa college.
Proud na ibinandera ng original member ng iconic OPM group na Smokey Mountain ang kanyang latest achievement.
Inihayag ni Geneva sa pamamagitan ng kanyang Instagram page na sa wakas, ay natapos na niya ang kanyang college degree matapos ang halos tatlong dekada.
Ibinahagi ng singer ang ilang litrato na kuha sa kanyang graduation ceremony, kalakip ang kanyang mensahe para sa sarili at sa lahat ng mga sumuporta sa pagpapatuloy niya ng pag-aaral.
Baka Bet Mo: Geneva Cruz jiu-jitsu gold medalist ang bagong dyowa, mainit ang Pasko
“As I approach my golden age (50) in less than a month, I realize that some of my dreams are still coming true.
“Thirty-three years in the making, but I finally did it! Look, ma, I’m now a college graduate!!!” ang mababasa sa caption ng kanyang IG post.
Pagpapatuloy pa niya, “This is for nineteen-year-old Gen, who had to grow up fast and work hard after choosing to become a young mom.
“Thank you for being brave and for finally learning to love yourself,” aniya pa gamit ang hashtag na “#itsnevertoolate” at “#BSOA” o Bachelor of Science in Office Administration.
Bumaha naman ng pagbati para kay Geneva mula sa kanyang mga kapamilya at kaibigan sa loob at labas ng showbiz industry.
Sa isang hiwalay na Instagram Story, makikita naman ang litrato ni Geneva sa labas ng Philippine International Convention Center (PICC), suot ang kanyang graduation dress habang hawak ang kanyang cap.
Meron din siyang ibinahagi sa IG story ng litrato ng bouquet of flowers na kanyang natanggap during her graduation day. Naka-tag sa post ang partner ngayon ng singer na si Dean Michael Roxas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
