John Feir hindi na-wow mali sa kasal nina Mikoy at Isa: I made it! 

John Feir hindi na na-wow mali sa kasal nina Mikoy at Isa: I made it! 

Ervin Santiago - March 15, 2026 - 11:48 AM
John Feir hindi na na-wow mali sa kasal nina Mikoy at Isa: I made it! 
Isa Garcia, Mikoy Morales at John Feir

IBINANDERA ng Kapuso comedian na si John Feir ang pag-attend niya sa kasal ng kanyang kaibigan at katrabahong si Mikoy Morales.

Naganap ang wedding nina Mikoy at Isa Garcia kahapon, March 14,  sa St. John Bosco Parish sa Makati City, na dinaluhan ng kanilang respective families and friends in and out of showbiz.

Masayang ibinalita ni John sa madlang pipol na nakarating siya sa takdang araw ng kasal nina Mikoy at Isa at hindi na siya nagkamali ng petsa. 

Sa kanyang Facebook MyDay, ipinost ng komedyante ang kanyang litrato na kuha sa mismong venue ng kasalan.

“I made it,” ang mababasa sa text caption ng post ni John. “Congrats Mikoy and Isa,” pagbati pa niya sa bagong kasal.

Kung matatandaan, nag-viral at nag-trending ang Kapuso comedian nitong nagdaang January dahil nagkamali siya ng tingin sa date ng wedding nina Mikoy.

Nagpunta siya sa simbahan sa petsa ng RSVP ng seremonya na nakalagay sa imbitasyon at nang makitang ibang magdyowa ang ikinakasal, tinawagan niya ang kaibigan nila ni Mikoy na si Chariz Solomon para kumpirmahin ang date ng kasal.

Du’n lang niya nalaman na na-wow mali nga siya sa petsa ng wedding. Ipinost naman ni Mikoy sa social media ang nakakalokang pagkakamali ni John na kinaaliwan ng mga netizens.

Ang Kapuso actress at best friend ni Mikoy na si Mikee Quintos ang nagsilbing Best Woman sa seremonya ng kasal.

Present din sa espesyal na araw ng bagong kasal ang iba pang Kapuso stars tulad nina Chariz Solomon, Juancho Triviño, Paolo Contis, Jeric Gonzales at Jake Vargas kasama ang girlfriend nitong si Inah De Belen. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending