PH CAGERS SASABAK NGAYON SA SEA GAMES | Bandera

PH CAGERS SASABAK NGAYON SA SEA GAMES

Mike Lee - December 09, 2013 - 12:00 PM

IPAAALAM ngayon ng national men’s basketball team ang kanilang masidhing paghahangad na mapanatili ang kampeonato sa sport sa pagharap sa Singapore sa 27th Southeast Asian Games sa Zayar Thiri Indoor Stadium sa Naypyitaw, Myanmar.

Ikatlong laro sa apat na nakahanay at magsisimula sa ganap na alas-2 ng hapon (3:30 p.m. sa Pilipinas) sisimulan ang tagisan at nais ng pambansang koponan ang magkaroon ng magarbong panimula sa puntiryang ika-16 na ginto sa SEA Games.

Mula 1977 ay isang beses pa lamang nakahulagpos ang ginto sa kamay ng Pilipinas nang pumangalawa lamang ang inilabang koponan sa Malaysia SEAG noong 1989.

Matapos nito ay siyam na sunod na ginto ang inangkin ng koponan sa 11 SEAG na idinaos. Walang basketball sa 2005 Philippine SEA Games dahil suspindido ng FIBA ang bansa habang hindi rin isinama ang pinakapopular na sport sa bansa noong 2009 sa Laos.

Magbubukas din ng kampanya ang women’s basketball team kontra sa malakas na Malaysia na siyang unang laro sa ganap na alas-10 ng umaga (11:30 ng umaga).

Matatandaan na natalo ang koponang  hawak ni coach Haydee Ong sa Malaysia sa idinaos na
FIBA Asia for Women Championship sa Bangkok, Thailand noong nakaraang buwan kaya’t makapaghiganti ang pakay din ng koponan.

Pitong bansa ang kasali sa kalalakihan habang lima ang maglalaban-laban sa kababaihan at ang format dito ay single-round robin at ang mangungunang bansa matapos ang ikutan ang kikilalaning kampeon.

Pinapaboran ng bataan ni coach Jong Uichico na manalo sa Singapore matapos lasapin ang 59-69 pagyuko sa Thailand sa pagbubukas ng kompetisyon kahapon.

Nakasalo sa Thais sa maagang liderato sa men’s basketball ay ang Malaysia na ginapi ang Indonesia, 61-53.

Solido ang puwersa ng pambansang koponan dahil may mahusay silang sentro sa katauhan ni 6-foot-10 naturalized center Marcus Douthit at mga mahuhusay na locals tulad nina Garvo Lanete, Kevin Alas, Matt Ganuelas, Kiefer Ravena, Bobby Ray Parks Jr. at Mark Belo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending