Bong Revilla umiskor sa kasong graft, malversation sa Sandiganbayan

INATASAN ng Sandiganbayan ang Office of the Ombudsman na resolbahin sa loob ng 60 na araw ang mosyon ni dating Senador Bong Revilla Jr., na bawiin ang reklamong graft at malversation of public funds na isinampa laban sa kanya.
Ang mga kaso ay may kaugnayan sa ghost flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng P92.8 million.
Pinayagan ng Sandiganbayan 3rd Division ang apila ni Revilla at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Office Accountant Juanito Mendoza na makapaghain ng motion for reconsideration sa Ombudsman.
Baka Bet Mo: Bong Revilla inudyukang magtago na lang para takasan ang mga kaso, pero…
Sinabi naman ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na susunod sila sa utos ng anti-graft court at reresolbahin ng kanilang panel of prosecutors ang mosyon nina Revilla at Mendoza.
Gayunpaman, tiwala si Clavano na malakas ang kaso laban kina Revilla at Mendoza, base sa ginawang pagbusisi ng kanilang mga imbestigador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
