Kris Aquino may b-day salubong kasama mga mahal sa buhay

Kris Aquino ibinandera b-day salubong kasama mga mahal sa buhay

Pauline del Rosario - February 15, 2026 - 12:01 PM
Kris Aquino ibinandera b-day salubong kasama mga mahal sa buhay
PHOTO: Instagram/@jonathanvelasco_

SA gitna ng patuloy na pakikipaglaban sa karamdaman, emosyonal at puno ng pagmamahal ang naging birthday “salubong” para kay Kris Aquino nang pumatak ang hatinggabi ng February 14 para sa kanyang ika-55th birthday.

Napalibutan ang Queen of All Media ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, pati na ng malalapit na kaibigan, habang sama-samang sinalubong ang espesyal na araw sa loob mismo ng kanyang kwarto. 

Makikita sa ibinanderang video ng kanyang doktor na si Dra. Geraldine Zamora sa Instagram ang selebrasyon na may mga lobo na iba’t ibang kulay at simpleng handaan na talaga namang punumpuno ng pagmamahal.

“Birthday salubong for ate K, the #brave,” ang caption sa naturang post.

Baka Bet Mo: Kris Aquino nagdarasal na umabot sa edad 60; Bimby may pasabog na talent

Sa hiwalay namang video na ibinahagi ni Jonathan Velasco, miyembro ng glam team ni Kris, makikitang nakahiga ang TV host-actress habang hinihipan ang kandila sa mga cake na hawak mismo ng kanyang mga anak.

“Happy Birthday Madam Kris, and Happy Valentine’s Day,” bati ni Jonathan sa kanya.

Mensahe pa niya, “You are such an inspiration, and my prayer is for your healing, peace, and love today and always. May all the love you give return to you tenfold.”

Bago pa man dumating ang kanyang kaarawan, inamin ni Kris na ang hiling niya ngayong taon ay umabot sa edad na 60. 

Sabi pa niya, nais niyang makuha ang senior citizen at person with disability (PWD) cards.

Matatandaang matagal nang nakikipaglaban si Kris sa ilang autoimmune diseases. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan, ibinahagi rin niya ang magandang balita matapos ang anim na linggong pananatili sa ospital, na kung saan ay nakakalakad na siya ngayon nang walang alalay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending