Miss Philippines-Earth 2013 runner up binaril sa Isabela

Miss Philippines-Earth 2013 runner up binaril sa Isabela

Therese Arceo - February 14, 2026 - 06:32 PM
Miss Philippines-Earth 2013 runner up binaril sa Isabela

BINARIL ang isang 32-anyos na dating runner-up ng Miss Philippines-Earth 20 sa loob ng kanyang SUV sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Cabaritan, Isabela noong Biyernes, February 13, bandang alas-6:45 ng gabi, ayon sa pulisya.

Kinilala ang biktima na si Lullete Jane Ramilo-De Guzman, isang guro at beauty queen na nagtamo ng mga tama ng bala sa mukha at tagiliran na agad nasawi sa pinangyarihan.

Idineklara ang Miss Philippines-Earth 2013 na dead on arrival sa Manuel Roxas District Hospital sa bayan ng Roxas.

Ayon sa pulisya, nasa loob ng sasakyan si Ramilo-De Guzman kasama ang kanyang mga anak nang bumaba ang kanyang ama mula sa kanilang Toyota Fortuner upang buksan ang gate ng kanilang bahay.

Baka Bet Mo: Miss Philippines Earth beauties sa Antique ginunita ang ‘Earth Day’

Isang armadong lalaki na sakay ng motorsiklong walang plaka ang umano’y pumasok sa lugar at paulit-ulit na pinaputukan ang biktima.

Hindi nasaktan ang tatlong bata ngunit labis na na-trauma matapos masaksihan ang pamamaril. Tumakas ang mga salarin patungong silangan sa kahabaan ng national road sa District 3 ng bayan.

Si Ramilo-De Guzman ay dating Miss San Manuel at nagtapos bilang runner-up sa Miss Philippines-Earth 2013 pageant, kung saan nakatanggap din siya ng minor awards kabilang ang Miss Global International at Miss Genuine Person.

Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education sa University of Perpetual Help System Laguna.

Ayon kay Major Rogelio Natividad, hepe ng pulisya ng San Manuel, sinusuri ng mga imbestigador ang iba’t ibang posibleng anggulo — personal, may kinalaman sa trabaho, o iba pang motibo — ngunit wala pa umanong natutukoy na mga suspek.

“We have no clear leads yet as to the motive or the suspects. We are processing the evidence and conducting follow-ups,” pahayag ni Natividad sa isang panayam sa telepono noong Sabado.

Dagdag niya, hinihintay pa ng mga awtoridad ang ulat ng crime laboratory upang matukoy ang baril na ginamit sa krimen.

Hinimok ni Natividad ang mga residente na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang indibidwal upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Samantala, pinutol ng live-in partner ni Ramilo-De Guzman na si Clifford Dela Cruz ang pagdalo sa isang seminar sa Maynila at bumalik sa Isabela matapos mabalitaan ang kanyang pagkamatay.

Sa kasalukuyan, hindi pa nakapagbigay ng pahayag sina Dela Cruz at ang mga kamag-anak ng biktima dahil sa labis na pagdadalamhati.

Sa isang Facebook post, kinondena ni Dela Cruz ang pagpaslang na naganap sa harap mismo ng kanilang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, may ilang tao umano na maaaring nagkimkim ng inggit o galit kaugnay ng paninindigan ni Ramilo-De Guzman laban sa bullying.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending