6 BI exec tanggal sa pwesto dahil sa exposé ng Russian vlogger

6 BI exec tanggal sa pwesto dahil sa exposé ng Russian vlogger

Therese Arceo - January 27, 2026 - 10:02 PM
6 BI exec tanggal sa pwesto dahil sa exposé ng Russian vlogger

MULING nadagdagan ang bilang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na natanggal sa puwesto matapos ang inilabas na exposè ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetsky.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y korasyon na nagaganap sa detention facility kung saan siya na-detain sa Taguig City.

Ayon sa naging pahayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, kasama sa mga natanggal s trabaho ay ang dalawang deputies habang nagpasa ng courtesy resignation ang naturang warden.

Sa ngayon ay anim na ang naalis sa kanilang puwesto matapos ma-expose ang pagpapa-iral ng pera para magawa ng isang taong naka-detain ang kanyang gusto kahit pa bawal ito sa loob ng kulungan.

Baka Bet Mo: Vitaly Zdorovetskiy, balik socmed matapos makalaya; dinaga, inipis sa loob ng kulungan

Bandera IG

Lahad ni Castro, ang paggamit ng cellphone ng mga naka-detain sa loob ng detention center ay para lamang makausap ang pamilya at hindi para makapag-video.

Ang ginawa raw ng Russian vlogger ay hindi awtorisado kaya natanggal ang mga empleyado at ngayon nga ay wala na rin ang dalawang deputy at warden.

“Sa ngayon dahil iniutos ng Pangulo na magkaroon ng malalimang pag-iimbestiga, tatlo ang inalis, isang warden at dalawang deputies,” sabi pa ni Castro.

Ayon pa sa kanya, wala nang habol ang pamahalaan sa Russian vlogger at ang tanging magagawa lang ay ituwid ang mga maling nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending