VMX star Rhea Montemayor ipinagpalit ng BF sa chaka, anyare?!

VMX star Rhea Montemayor ipinagpalit ng BF sa chaka: Mahilig akong gumapang!

Ervin Santiago - January 25, 2026 - 12:35 PM
VMX star Rhea Montemayor ipinagpalit ng BF sa chaka: Mahilig akong gumapang!
Rhea Montemayor

NALOKA si Toni Gonzaga sa rebelasyon ng VMX (Vivamax) actress na si Rhea Montemayor kung bakit wala siyang boyfriend ngayon.

Isa si Rhea sa naging contestant sa latest episode ng online game show ni Toni na “Ang Tanong” na napapanood sa kanyang YouTube channel.

Nakasama niya sa nasabing game show ang mga kapwa VMX star na sina Angeli Khang at Robb Guinto.

Bago magsimula ang tanungan at sagutan ay nausisa ni Toni kung may dyowa ba ngayon si Rhea.

“May BF ba si Rhea Montemayor?” ang tanong ni Toni. Na sinagot naman ng dalaga ng, “Wala po, single.” 

Sundot na question ni Toni, “Bakit naman single si Rhea at 22 (years old)?”

“E, kasi po, pinagpalit sa pangit,” natawang sagot ni Rhea.

View this post on Instagram

A post shared by Rhea Montemayor (@rhea.revealedd)

“Sino yan? Bakit ka naman pinagpalit?” ang balik-tanong ng TV host-actress.

“Napagod po yata sa akin, e,” sagot uli ng VMX actress. Na sinundan ni Toni ng tanong na, “Bakit? Ano bang ginagawa mo sa kanya?”

“Mahilig po kasi akong gumapang,” ang super laugh na tugon ng sexy star. 

Hirit sa kanya ni Toni, “Gagamba pala ‘to. Gapang ka nang gapang!”

Pero kung may isang bagay daw siyang natutunan sa dating  relasyon, ito ay ang huwag magmamahal ng lalaking mahirap.

“Binuhay ko siya, e. Mahirap na nga, wala pang pangarap,” ani Rhea.

Naloloka nga raw siya noong magkasama pa sila. Kapag umuuwi raw siya galing trabaho ay sasabihan siya ng guy na bumili sila ng ramen dahil napagod daw siya at gutom samantalang wala naman daw itong ginagawa sa buhay. 

Sey pa ng dalaga, nagustuhan daw niya ang ganu’ng klase ng lalaki kasi, “Pogi po siya. Pero dati po, pero ngayon pumangit na rin, e!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan sa mga nagawang pelikula ni Rhea sa VMX ay ang “Madulas”, “Kapag Tumayo ang Testigo”, at iba pa. Isa siyang streamer bago pa makilala bilang sexy star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending