‘Nicolas Torre for President sa 2028’, ilalaban daw kina Vice Ganda at VP Sara

SA gitna ng panawagang tumakbo si Vice Ganda sa Eleksyon 2028, may mga nagsusulong din sa kandidatura ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III.
Kinukumbinsi ngayon si Torre ng kanyang mga tagasuporta na kumandidato sa pagkapangulo sa susunod na halalan dahil naniniwala raw sila sa kakayahan ng dating Philippine National Police (PNP) Chief.
May mga nagsasabi naman na ikonsidera muna ang pagtakbong kongresista, senador o bise presidente sa 2028 at huwag muna ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
Sa isang social media post ni Torre ay makikita ang litrato nila ng asawang si Patricia Jane Torre, na kuha sa dinaluhan nilang event.
Karga ng opisyal ang kanyang wifey habang si Patricia naman ay naka-finger heart pa. Ang nakasaad sa caption ng post ay, “Buti na lang sexy ang asawa ko! Hahaha!”
Mababasa naman sa comment section ang pagkumbinsi ng netizens kay Torre na tumakbong pagkapangulo sa 2028 national elections. Narito ang ilan:
“Sir Gen.Torre for President in 2028.”
“GO FOR THE PRESIDENCY IN 2028 SIR Nicolas Torre III.”
“At kaya pang buhatin si Mrs..Sir. Pwede pa po takbo at maupo bilang President sa 2028…Nakatakda na po ito sa LANGIT..God bless us all.”
“Senator po muna mam.”
“We need you at the senate Gen. Torre.”
“(Sonny) Trillianes for president, Torre for Vice president.”
“Cong Torre, kailangan ka sa Congress.”
May mga nagkomento rin na magandang laban kung tatapatan ni Torre sina Vice Ganda at Vice President Sara Duterte sa 2028.
Wala namang sinagot si Torre sa mga nagkomento sa kanyang post.
Nauna rito, may mga nananawagan din sa TV host-comedian na si Vice Ganda na tumakbong pangulo sa 2028 para kalabanin si Vice President Sara Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
