Daniel, Kathryn pinagbawalan ng ABS-CBN na magseryoso sa Lovelife | Bandera

Daniel, Kathryn pinagbawalan ng ABS-CBN na magseryoso sa Lovelife

Jobert Sucaldito - December 07, 2013 - 03:00 AM


KABATAAN man o young-at-hearts, wagas kung kiligin sa mga romantic na eksena nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa top-rating primetime TV series ng ABS-CBN na Got To Believe.

Patunay ng lakas ng “KathNiel magic” sa mga manonood ay ang gabi-gabing pagwawagi ng programa sa ratings game at pagiging trending topic sa Twitter.

Noong Miyerkules (Dis. 4), humataw ng 27.9% national TV ratings ang Got To Believe. Base sa datos mula sa Kantar Media, tinalo nito ang dalawang katapat na serye sa GMA na Adarna (14.6%) at Genesis (12.2%).

Naging number 1 nationwide trending topics sa Twitter nang magkakasunod na gabi ang mga hashtag na #G2BByYourSide, #G2BGoodbyeIsNotForever, #G2BBestDayEver, at #G2BBeforeILetYouGo dahil sa mga nakakakilig at nakakaiyak na bonding moments nina Chichay (Kathryn) at Joaquin (Daniel).

Sa pagpapatuloy ng fairytale nina Chichay at Joaquin, tiyak na wala nang bibitiw sa pagtutok dahil mas titindi pa ang kilig factor sa mga susunod na linggo.

Paano babaguhin ng ‘magical dust’ ang mga buhay nina Chichay at Joaquin? Anong gagawin nina Juliana (Carmina Villarroel), Jaime (Ian Veneracion), Mama Bear (Manilyn Reynes) at Papa Bear (Benjie Paras) sa sandaling malaman nila na childhood sweethearts ng mga anak nila ang isa’t isa?

Ito na ba ang simula ng happy love life nina Chichay at Joaquin o hudyat ng pagdating mas malaking pagsubok? Patuloy na damahin ang kakaibang magic ng pag-ibig sa most romantic series ng 2013, Got To Believe, gabi-gabi, pagkatapos ng Honesto sa ABS-CBN Primetime Bida.

Speaking of Daniel and Kathryn, bukod sa kanilang teleserye, sila rin ang magbibida sa horror movie na “Pagpag”, na isa sa mga official entry sa darating na MMFF 2013.

Dito muling masusukat kung hanggang sa pelikula ba ay susuportahan pa rin sila ng kanilang mga fans.Pero marami naman ang nagsasabi na malakas din ang laban ng pelikula nila sa taunang filmfest dahil ito lang ang nag-iisang horror movie dahil hindi nga natuloy si Mother Lily Monteverde sa kanyang  classic horror film na “Shake, Rattle & Roll” na laging nakakasali sa MMFF.

Balita namin, sumosyo na lang si Mother sa Star Cinema sa “Pagpag”. Nakakabilib din naman sina Kathryn at Daniel dahil makikita mo ang dedikasyon nila sa trabaho, imagine, talagang pinagsabay nila ang taping ng Got To Believe at shooting ng kanilang MMFF entry na walang karekla-reklamo?

Kaya naman good karma ang dalawang bagets, di ba? Sa last interview ng press kay Daniel tungkol sa kanilang pelikula, sinabi nitong,  “Masaya din kasi, unang-una, natapos namin yung movie na maganda.

At excited na kaming ipalabas dahil pinagpaguran naming lahat ‘yon.” Para naman kay Kathryn, maipagmamalaki nila ang kanilang entry dahil ginawa nila ang lahat para maging makatotohanan ang bawat nakakatakot na eksena, “Actually, more of mga nakakagulat.

Siguro para siyang may pagka-‘Final Destination’, ganu’n ang atake, ” ani Kathryn na ang tinutukoy ay ang Hollywood horror movie franchise na umabot na ng five parts.

Pero siyempre, mawawala ba naman ang love story, kailangang pakiligin din nila ang kanilang fans bukod sa sigawan at takutan, “May love story din, may comedy, kaya para siyang all in one,” sabi naman ni Daniel.

Pero teka, pansin n’yo ba, parang naging tahimik ang relasyon ng dalawang bagets, parang hindi na sila masyadong nagse-share ng detalye about their personal affair?

Totoo kaya ‘yung nasagap naming balita na medyo sinabihan sila ng kanilang mga handlers na huwag na munang masyadong magseryoso sa kanilang relasyon?

Totoo ba na pinagbawalan sila ng mga bosses ng ABS-CBN na huwag munang papasok sa isang serious relationship dahil baka makaapekto ito sa kanilang respective career?

Well, kung sinusunod nga ito nina Daniel at Kathryn, aba, mukhang effective nga dahil walang masyadong intriga sa kanilang dalawa ngayon.

Ibig sabihin din nito, marunong nang magdala ng relasyon si Daniel dahil aminin natin, kalimitan sa mga ganyang loveteam, lalaki ang nagdadala, di ba?

O, baka naman magaling lang din silang magtago kaya wala tayong masyadong naaamoy? Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending