Anne nawasak dahil lang sa alak, sayang na career | Bandera

Anne nawasak dahil lang sa alak, sayang na career

Cristy Fermin - December 04, 2013 - 03:00 AM


Kahit saan ngayon ay pinagpipistahan ang kuwento ng pananampal ni Anne Curtis kay John Lloyd Cruz at sa dalawa pang non-showbiz personalities na naganap nu’ng madaling-araw ng November 23, lasing na lasing si Anne, handang makipag-upakan kahit kanino.

Ang dalagang love na love ng ating mga kababayan dahil sa kanyang kasimplehan at kabaitan ay heto, pi-nuputakti ngayon ng mga negatibong komento sa social media, nasira tuloy ang magandang imaheng hawak ng dalaga sa pinakamahabang panahon.

Sinampal niya at sinabihan pa ng “You’re an addict!” si John Lloyd, tinalakan din niya si Phoemela Baranda at ang iba pang mga nandu’n at sinabihan niyang kayang-kaya niyang bilhin, pati na ang mismong bar.

Gaano nga kaya katinding problema ang pinagdadaanan ngayon ni Anne at nagkaganyan siya? Ibang-iba ito sa Anne Curtis na kilala natin. Meron bang matinding depresyon ngayon ang magandang aktres para uminom siya nang sobra-sobra sa kaya lang niya?

‘Yun na nga ba ang sinasabi ng marami, huwag iinom nang labis sa iyong kapasidad lang, dahil ibang klaseng magbaon sa kahihiyan ang agua de pataranta.

Nakapagpapakapal ‘yun ng mukha, nakapagpapadulas ng dila, kapag lasing na lasing na ang tao ay parang nakalilimot na siya sa kagandahang-asal.

Nanghingi na ng paumanhin si Anne Curtis sa mga taong nasaktan niya, sa kanyang mga tagasuporta, sa taumbayan. Isang malaking leksiyon daw ito sa kanya, hindi na raw niya uulitin pa ang ganu’n, hindi na raw siya iinom nang sobra sa kaya lang ng kanyang tiyan at ulo.

Nakakapanghinayang ang ganitong imahe. Napakaganda ng pagkakilala kay Anne ng ating mga kababayan, maraming nagmamahal sa kanya, pero sa isang iglap lang ay nawasak ‘yun nang walang kalaban-laban si Anne.

Sabi nga ng isang kaibigan namin bilang pagtatanggol kay Anne, pero nag-opinyon din sa bandang huli, “Si Anne, e, tao lang din naman na nagkakamali, sumasablay lang minsan, pero hindi nangangahulugang masamang tao na siya.

“Pero next time, e, maisip din sana ni Anne na hindi siya dapat umiinom nang sobra-sobra, alam ng lasing ang ginagawa niya, makapal lang ang mukha niyang gawin ang ganu’n dahil lasing nga siya.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending