Richard nanibago sa paggawa ng pelikula: Wala nang pa-star!

Richard Gomez nanibago sa paggawa ng pelikula: Wala nang pa-star, pa-diva ngayon!

Reggee Bonoan - November 07, 2025 - 08:38 AM
Richard Gomez nanibago sa paggawa ng pelikula: Wala nang pa-star, pa-diva ngayon!
PHOTO: Facebook/Richard “Goma” Gomez

MATAGAL nang hindi nakagawa ng pelikula si Leyte 4th District Representative Richard Gomez, kaya nabanggit niyang ang laki ng pagbabago sa paggawa ng pelikula at napansin niyang hindi na uso ang pa-diva-diva.

Nasambit ito ni Cong. Richard sa panayam niya kina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute” kahapon, November 6, na mapapanood sa OnePh YouTube channel ng TV5.

May pelikulang ipalalabas si Goma kasama si Elijah Canlas, ang “Salvageland” na idinirek nina Lino Cayetano at Shugo Praico for Viva Films at Rein Entertainment.

Sey ng aktor, “Iba na ‘yung sistema ng trabaho ng pelikula ngayon hindi na uso ‘yung pa-diva-diva, wala ng pa-star ngayon sa set.

Baka Bet Mo: Richard Gomez biglang napaiyak habang iniinterbyu ng press: Na-miss ko kayo!

“Naabutan ko kasi ‘yung panahon na pag ayaw mag-shooting, ‘’pack up muna tayo’. Dahil sikat ka, dahil number one, ka sige pinagbibigyan ng mga direktor, pinagbibigyan ng mga producer pero ngayon wala na.

“Pag nag-commit ka sa pelikula, nag-commit ka sa trabaho kailangan on the set ka palagi.  Pag kailangan ka na, lilitaw ka na.  Hindi na pwedeng magpapa-diva ka because ang hirap nang gumawa ng pelikula ngayon napakamahal na!”

“Ang mga producers ‘yung budget nila, tsina-chop-chop kasi tsina-tyani rin niya ‘yan. Kaya’t hanggang nakakatulong ka sa kanila dapat tulungan mo sila. Dati ‘di ba, diva-diva ayaw lumabas ng kuwarto! Ang tagal mo nang naghihintay.”

Hirit ni ‘nay Cristy, “Sumakit lang ang ulo pack-up na, ha, ha, ha,”

“Oo, sumakit lang ang ulo ayaw na magtrabaho, ngayon hindi na iba na. Lahat ng nagpe-pelikula ngayon gusto talagang magtrabaho. Gustong may maipalabas,” sambit ni Goma.

Sabi pa ng actor-politician na rati raw nakakapag-produce ng 300 movies a year at ngayon daw ay masuwerteng makagawa ng 150 pelikula sa isang taon.

May CFM’ers na nagkomento na sa panahon ng aktor ay si Richard ang OG (original) na Adonis sa Philippine Entertainment Industry kaya siya tinawag na tall, dark, and handsome.

Tanong ni ‘nay Cristy, “Bakit mula noon hanggang ngayon hindi nagbago ang itsura mo? Nadadagdagan ang edad pero hindi nababawasan ang tikas at kagwapuhan.”

“Ha, ha, ganu’n ba? Sinasabi nila, ‘do not stay under the sun kasi nakaka-wrinkles. Pero alam n’yo halos araw-araw nasa ilalim ako ng araw hindi naman ako naglalagay ng sunblock pero kita mo naman (sabay lapit ng face sa camera), ha, ha,” sagot ni Richard sa CFM host.

Paliwanag pa niya, “I think it’s very important to live a very happy life, to live a very positive life, and kailangan talaga masaya ka sa pamilya mo and try to make things good and better.”

“At tsaka clean living,” hirit pa ni ‘nay Cristy.

Sa sagot naman ng kongresista sa sinabing siya ang original na tall, dark and handsome: “Ha, ha, nu’ng pumasok kasi ako nu’ng 80’s sa pelikula ang mga napakasikat na artista noon siyempre si William Martinez, sila Aga Muhlach, Herbert Bautista, ‘yung Bagets ‘di ba?  E, nu’ng pumasok ako, ako ‘yung ulikba ang itim-itim ko tapos ang tangkad ko tapos ang payat ko pa no’n.”

“Kaya ako naturingang tall, dark and handsome noon. Aaminin ko na lang talaga na ‘yung kagwapuhan wala na kayong magagawa diyan,” tumawang sabi ni Richard na ikinatawa rin ng husto nina ‘nay Cristy at Romel Chika.

Samantala, natanong ni Romel Chika kung ano ang mahalaga kay Richard, ang showbiz  o ang politika.

Sagot ng aktor cum politiko, “Alam mo ang problema natin dito sa politika ‘yung mga kalaban natin aba’y talo pa ‘yung mga scriptwriter at direktor ng pelikula, eh.”

Natawa ulit sina nanay Cristy at Romel Chika.

Dagdag pa, “Ang galing magsinungaling ng mga loko na ‘to.  Minsan pagmumurahin mo na lang, eh. Minsan (naisip ko) pag nakaharap ko ‘to gugulpihin ko ‘to sigurado ganu’n ba. Ang daming sinungaling, so, ako minsan hindi ko na lang sinasagot pinapasa-Diyos ko na lang, ipinagdarasal ko na lang, sabi ko ‘Lord ikaw na bahala sa mga gago na ito at mga sinungaling na ito.

“Unlike sa showbiz magkakasamaan tayo ng loob magkakatampuhan tayo, pero ito may panahon na pwede tayong mag-usap kung gusto mo in public, gusto mo ng live, pwede tayong mag-usap. Pinag-uusapan ‘yung totoo at ‘yung tama.”

Sa kasalukuyan ay nasa Ormoc daw silang pamilya at ang pinagpa-planuhan nilang mag-asawa bilang Mayor ng kanilang bayan na si Lucy Torres-Gomez ay kung anong batas ang pwede nilang ipasa na makakatulong sa constituents nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At wala pa sa kamalayan nilang mag-asawa kung anong posisyon ang tatakbuhin nila sa 2028 election dahil puro sa lalawigan nila ang inisiip nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending