Kim Chiu sa matinding baha sa Cebu: Sino sisisihin natin?

Kim Chiu sa matinding baha sa Cebu: Sino nanaman sisisihin natin?

Pauline del Rosario - November 07, 2025 - 06:30 AM
Kim Chiu sa matinding baha sa Cebu: Sino nanaman sisisihin natin?
PHOTO: Facebook/Kim Chiu

DUROG na durog ang puso ng TV host-actress na si Kim Chiu sa sinapit ng maraming kababayan niya sa Cebu City matapos ang hagupit ng bagyo.

Sa Interview ng ABS-CBN News, sinabi ni Kim na hindi naapektuhan ang mismong lugar niya sa probinsya, pero ibinandera niya ang kanyang pagkabahala.

“Sana magawa na lahat ng dapat gumawa ng paraan. Para hindi na maulit,” sey ni Kim sa nasabing panayam.

Chika pa niya, “Sa amin, hindi naman binaha. Pero it is the first time nangyari sa amin sa Cebu nagka ganoon kalalang baha. And sino na naman sisihin natin?”

Baka Bet Mo: Paulo Avelino dumepensa sa pagiging escort girl ni Kim Chiu sa ‘The Alibi’

Marami ang nalubog sa baha sa ilang bayan at lungsod sa Cebu, kung saan nagkandahirap ang mga residente na makalikas at nag-iwan ito ng malawakang pinsala sa kabuhayan at ari-arian. 

Dahil dito, muling umapela ang aktres na bigyang-pansin at ayusin na ang mga problemang dulot ng mas tumitinding sakuna.

Magugunita noong nakaraang buwan lamang nang tamaan ng magnitude 6.9 na lindol ang Cebu.

Maging si Kim ay nakaranas ng malakas na pagyanig dahil nataon na nandoon siya at ilang kapwa-artista para sa kanilang taping sa bagong proyekto na “The Alibi” katambal si Paulo Avelino.

Ayon sa aktres, ligtas naman ang lahat ng cast at crew, pero hindi mawawala ang pangamba dahil sa sunod-sunod na aftershocks.

“Medyo nakaka-praning lang. Naka-stay kami lahat sa hotel. Non-stop aftershocks, so lahat ng kasama namin — sina Ms. Zsa Zsa, sina Sir John… may konting lindol, may dala sila bag at baba sila agad,” kwento niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

As of November 4, 53 lungsod at bayan sa Cebu ang idineklarang state of calamity dahil sa matinding hagupit ng Bagyong Tino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending