Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol

Earthquake 101: Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol

Pauline del Rosario - October 19, 2025 - 05:06 PM
Earthquake 101: Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol

ANG lindol ay parang uninvited guest dahil bigla na lang itong dumarating at ginugulat ang lahat!

Pero imbes na kabahan o mag-panic, mas bet natin ‘yung ready lagi ‘di ba?

Kasi kapag may kaalaman ka kung ano ang dapat gawin, hindi ka basta matitinag kahit pa gumalaw ang buong paligid mo! 

Kaya heto na ang ultimate earthquake survival guide na siguradong makakatulong sa ’yo at sa pamilya mo.

Baka Bet Mo: MAGING HANDA SA LINDOL: Alamin ang dapat laman ng inyong go bag

Bago lumindol

Unang step mga ka-BANDERA, alamin kung malapit ka sa active fault. 

Siyasatin kung ang bahay mo ay nasa tabing-dagat, malambot ang lupa, o may matarik na dalisdis o slope.

Kasi kapag ganyan nga ay asahan na ang mas malakas na pagyanig!

Siguraduhin ding matibay ang bahay at gusali na dapat pasado sa National Building Code of the Philippines. 

Kung duda ka, ipa-check na ‘yan sa civil o structural engineer. 

At siyempre, huwag kalimutang maghanda ng emergency supply kit o ‘yung tinatawag nating go bag na may lamang tubig, pagkain, flashlight, gamot, whistle, powerbank, at marami pang iba. 

Isali mo rin sa plano ang pagsali sa earthquake drills, kasi practice makes less panic!

Habang lumilindol

Kapag lumilindol na, “Duck, Cover, and Hold” agad! Yumuko, magtago sa ilalim ng matibay na mesa, at hawakan ito nang mahigpit.

Layuan ang mga bintana, kabinet, o anik-anik na pwedeng bumagsak.

Kung nagmamaneho, itabi muna ang sasakyan at huwag dumaan sa tulay o overpass. 

At kung nasa tabing-dagat ka, aba’y takbo na papunta sa mataas na lugar dahil baka hindi lang alon ng dagat ang humabol sa’yo, kundi tsunami! 

Pagkatapos lumindol

Siguraduhin muna kung ligtas! Baka may aftershock, kaya steady lang. 

Suriin kung may nasugatan, kung may natapong kemikal o nasirang linya ng kuryente at gas.

At kung sira ang bahay, huwag nang pumasok at baka may sequel pa ang lindol!

Kung kailangan niyong lumikas, mag-iwan ng mensahe kung saan kayo pupunta at anong oras kayo umalis, para alam ng rescuers kung saan kayo hahanapin.

Babala lang din na hindi lahat ng kumakalat sa GC o social media ay totoo! 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makinig lang sa mga opisyal na ahensya tulad ng DOST-PHIVOLCS, NDRRMC, at OCD.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending