Jinggoy, Bong nabuking ang ginawa sa mga Yolanda victims | Bandera

Jinggoy, Bong nabuking ang ginawa sa mga Yolanda victims

Cristy Fermin - December 03, 2013 - 03:00 AM


Hindi lang nila ipinagmamakaingay dahil siguradong marami na namang sasabihing negatibo tungkol sa kanila ang mga kababayan nating walang magandang magawa sa buhay pero parehong naging aktibo sa pamimigay ng kanilang tulong para sa mga biniktima ng bagyong Yolanda sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla.

Hindi na nga naman kailangan pang ipaalam sa kaliwa ang ginawang maganda ng kanan nating kamay, ganu’n ang kanilang paniniwala, kaya agarang bumuo ng grupo ang dalawang aktor-politiko para matanggap ng ating mga kababayan sa Kabisayaan ang kanilang suporta.

Nagsadya rin si Senador Jinggoy sa Ormoc, Leyte, inayudahan niya si Congresswoman Lucy Torres-Gomez na kaibigan ng kanyang pamilya, tuwang-tuwa ang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Leyte sa kanyang ginawa.

Pahayag ng magandang kongresista, “Bukod sa malaking tulong na ibinigay ni Senator Jinggoy sa amin, napakalaking bagay ng ginawa niyang pagdalaw, binigyan niya ng hope ang mga constituents ko na palaging may pagkakataon para tayo makabangon mula sa isang trahedya.

“Hindi ko in-expect ang pagdalaw niya, kagagaling lang kasi niya nu’n from the States, nagpalit lang siya ng plane at lumipad na siya papuntang Ormoc,” nakangiting balita ng responsableng kinatawan ng kanyang distrito sa binagyong probinsiya.

Binabato man sila ngayon ng mga akusasyon ay ang pagtulong pa rin sa ating mga kababayan ang unang-unang nakatatak sa kanilang puso, di hamak namang mas makabuluhan ang kanilang ginagawa kesa sa ibang mga politiko diyan na puro daldal lang ang alam, pero wala namang aksiyon. Sa totoong-totoo lang.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending