Satisfaction rating ni PBBM umangat ng 20 puntos – SWS

MULA sa -10 noong Abril, umangat sa +10 ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hunyo, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Ito ay 20 puntos na pag-angat sa pangkalahatan at naitala ang pinakamataas sa Mindanao na 35 puntos.
Baka Bet Mo: PBBM: Magkano ang ninakaw na pera ng mga balasubas na ito?
May 46 porsyento sa 1, 200 na sumagot sa survey ang nagsabing nasiyahan sila sa pagta-trabaho ng Punong Ehekutibo, 36 porsyento ang hindi nagustuhan ang pamamahala ni Marcos, samantalang 19 porsyento ang walang isinagot.
Mula sa “poor” noong Abril, naging “moderate” na noong Hunyo ang satisfaction rating ni Marcos.
Isinagawa ang survey noong Hunyo 25 hanggang 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
