DOJ hindi natutuwa sa pa-‘finger heart’ ni Sarah Discaya: ‘Behave accordingly’

MUKHANG napa-iling ang Department of Justice (DOJ) sa pa-“finger heart” at hirit ng controversial contractor na si Sarah Discaya.
Ayon kay Justice spokesperson Jose Dominic Clavano IV, kasama sa kanilang pagsusuri sa pagiging state witness ang asal ni Sarah.
“The heart sign and the remarks of Ms. Sarah Discaya are all taken into account in the assessment and evaluation of the persons involved. It is a sign of insincerity and complacency,” sey ni Clavano sa Viber message na iniulat ng INQUIRER.
Dagdag pa niya, “We urge all persons of interest in this case to behave accordingly.”
Baka Bet Mo: Pokwang, Bela, Rocco nandiri sa pa-heart finger ni Sarah Discaya: ‘Baliw!!!’
Paano ba naman kasi, pagdating ni Sarah sa DOJ lobby noong Sabado (Sept. 27), todo-deadma muna siya sa mga tanong ng media.
Pero bigla itong humarap sa kamera, tumagilid ng ulo na parang K-pop idol, at nagpa-cute gamit ang sikat na Korean “finger heart.”
Matapos naman ang meeting sa DOJ, tumanggi pa ring magdetalye si Sarah tungkol sa mga nangyari sa loob.
Ang hirit lang niya sa media: “Gandahan niyo yung memes ko.”
Matatandaan na kabilang ang mag-asawang Discaya sa 15 contractors na binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos na nakakuha ng 404 flood control projects na nagkakahalaga ng aabot sa P30 billion sa loob lang ng tatlong taon.
Sa mga pagdinig sa Kongreso, nag-volunteer ang mag-asawa na maging state witnesses at ibinunyag pa ang ilang mambabatas at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y naniningil ng hanggang 25% kickback sa mga proyektong ibinibigay sa kanila.
Kaya ngayon, sila ay itinuturing na “protected witnesses” sa ilalim ng provisional Witness Protection Program (WPP) ng DOJ.
Kung tuluyang maaprubahan ang kanilang aplikasyon bilang state witness, makakalusot sila sa mga kasong kriminal at sibil.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dati raw ay medyo nag-aatubili siya na isailalim ang Discayas sa WPP.
Pero ipinaliwanag niya na kapag ang isang testigo ay lumapit sa DOJ at humiling ng proteksyon, maaari silang gawing “protected witness” habang iniimbestigahan.
Bukod sa Discayas, nakapasok din sa provisional protected witness status sina dating DPWH engineers Henry Alcantara, Brice Hernandez, Jaypee Mendoza at Undersecretary Roberto Bernardo.
Positibo naman ang tingin ni Remulla sa ilang testigo tulad nina Mendoza at Hernandez dahil, aniya: “They’re showing their good faith. They’re showing that they really want to tell the truth, and they are backing it up with documents and notes they have gathered through the years, so this is a good development.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
