Pacman tumba sa ‘suntok’ ni Henares, biglang natameme
NATAWA ako sa napanood kong interview ni kaibigang Pinky Webb kay Mommy Dionisia Pacquiao sa ANC. Character talaga si Mommy D – ina talaga siya ni Manny Boy. Pareho silang character pero lintek naman – sobrang sikat nila at yaman.
Para sa mga kababayan natin, mga bayani sila dahil sobrang hilig talaga ng mga Pinoy sa boksing. Wala sa kanila ang tamang katwiran – ang mahalaga sa kanila ay ang manalo ang idolo nilang si Pambansang Kamao, at walang puwedeng umaway dito at sila ang makikipaggiyera on his behalf.
Galit na galit si Mommy D sa BIR, talagang tumatalak siya maidepensa lamang ang kaniyang anak inaapi raw ng pamahalaan natin. Kasi nga, di ba, nasuong si Manny sa malaking issue ng hindi pagbabayad ng buwis nito for his boxing matches noong 2008 and 2009 sa ginanap sa US?
Ang sabi ng kampo ni Manny ay nakapagbayad na siya sa Amerika kaya hindi na siya dapat magbayad ng tax dito sa Pilipinas. Tama naman, sinasang-ayunan naman ito ng BIR through its commissioner Kim Henares.
Kaya lang, he has to submit to BIR the original or certified copy of that certificate na nagsasaad na bayad na nga siya. He was given two years by the BIR to fix this problem pero to this day ay hindi pa rin ito naaayos ng kanyang lawyers and accountants.
P2.2 billion ang involved na amount dito, so huge para di nila intindihin.
Hindi naman puwedeng photocopy lang ng sinasabing receipts galing sa promoter niyang si Bob Arum ang mag-aabsuwelto sa problema niya. It has to be an authentic copy from IRS sa Amerika, or just a certified true copy.
Napilitan tuloy siyang sampulan ng BIR pero very minimal nga lang ang na-garnish sa mga accounts niya. Dalawang accounts lang niya ang na-frozen delight actually that amounted to P1.1 million.
Hindi naman totoong lahat ng accounts niya ay na-freeze kaya anong nginangawa niyang wala siyang maibigay na donation sa Yolanda victims dahil hindi siya makapag-withdraw ng pera niya.
At saan daw siya kukuha ng pampayad sa mga trabahador sa mga kompanya nila? “Alam ninyo, magaling ding mag-drama talaga si Pacquiao.
Na-wrong timing kasi ang BIR eh plus the fact na wala kasing charm itong si BIR Commissioner Henares kaya talo talaga siya sa media war with Manny.
Kasi nga, coming from a severe disappointment ng mga tao sa pamahalaan natin dala ng maraming kapalpakan ng maraming ahensiya sa relief operations for Yolanda victims, they found solace lang sa pagkapanalo ni Manny sa nakaraang laban niya kay Rios.
“And what a wrong timing naman na pag-uwi ni Manny ay ito ang sumalubong sa kaniya, ang isyu ng pagkakautang nito sa BIR.
Ni hindi nga alam ng mga tao na two years na pala in the process ang paniningil nila kay Manny, ang kinagat lang ng mga taong katwiran ay bakit parang ginagawang sacrificial lamb si Pambansang Kamao ng gobyerno para raw ma-divert ang mga kapalpakan nila during the typhoon Yolanda.
Kaya nagagalit ang mga tao sa BIR dahil akala nila ay basta na lang nila ginigipit si Pacquiao without realizing na matagal nang isyu ito na dinededma lang ng Pacquiao group,” anang kausap namin.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.