Discaya tinangkang makipag-meeting kay Vico: Hindi ko papatulan!

Discaya tinangkang makipag-meeting kay Vico: Siyempre, hindi ko papatulan!

Ervin Santiago - September 10, 2025 - 08:33 AM
Discaya tinangkang makipag-meeting kay Vico: Siyenpre, hindi ko papatulan!
Sarah Discaya, Vico Sotto at Curlee Discaya

IBINUKING ni Pasig City Mayor Vico Sotto na gustong makipag-meeting sa kanya sina Sarah at Curlee Discaya ilang araw bago siya humarap sa pagdinig ng Kongreso.

Ayon sa alkalde, tinangka umanong mag-reach out sa kanya ang mag-asawang contractor sa pamamagitan ng isa nilang “common friend.”

Nabanggit ito ni Mayor Vico sa isang ambush interview sa kanya ng media matapos dumalo at magsalita sa hearing ng House of Representatives kahapon, September 9, kung saan dininig ang isyu ng mga ghost flood control projects.

“As late as Thursday morning, meron pong nag-text sa akin na common friend na nakikipag-set si Mr. Discaya ng meeting. 

“Siyempre, hindi ko papatulan iyong ganu’n. Bakit ako makikipag-usap sa kanya, ngayon pa?” ani Vico.

Feeling ng Mayor ng Pasig, may kinalaman sa pagtayong state witnesses ng mga Discaya ang planong pakikipagkita ng mga ito sa kanya.

“Hindi naman natuloy iyong meeting. Pero may nabanggit doon na tungkol sa state witness. 

“So, siguro iniisip niya, baka makatulong ako sa kanya. Pero sa akin, hindi. Dapat ilabas natin kung ano ang katotohanan,” aniya.

Naniniwala rin si Vico na hindi pa inilalantad nina Curlee at Sarah ang lahat-lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa maanomalyang government projects na nakuha nila sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Kung totoo iyong sinasabi nila, anong nangyari doon sa hundreds or thousands of other projects? Bakit 26 lang iyong nasa listahan? 

“Ang tanong, paano nila napili kung sino iyong nasa listahan na iyon? Sino iyong papangalanan nila? Obviously, there is a lie somewhere,” sey pa ng alkalde.

Sa pagdinig ng Kongreso kahapon, sinabi rin ni Vico na huwag daw magpapaloko ang publiko sa mga pinagsasabi ng mag-asawa Discaya.

“I would like to be more direct. Kasinungalingan po talaga at lantarang kasinungalingan naman po ang mga sinasabi nito. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi naman po bago sa kanila ang pagsisinungaling. Naobserbahan na po natin ito on the record and in public many times,” sey ni Vico kasunod ng pagsasabing ang “sinungaling ay asawa ng magnanakaw”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending