Daniel Padilla, Maris Racal pinagtatambal ng netizens: ‘May chemistry!’

TRENDING ngayon ang Kapamilya stars ba sina Daniel Padilla at Maris Racal dahil maraming netizens ang shini-ship ang dalawa.
Sa nagdaang episode ng “Showbiz Update” ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, napag-usapan nila ang mga posts ng netizens sa pagtatambal ng dalawa.
Sa katunayan, kalat na sa social media ang mga larawan at video clips nina Maris at Daniel together na masayang nagtatawanan.
“Ang dami nilang ebidensya [mga pictures at videos]. At ‘yung iba naniniwala na may chemistry ang dalawa kapag sila ay gumawa ng project. Nakakaloka, ‘di ba?” saad ni Ogie.
Baka Bet Mo: Daniel, Maris, Richard, Ian waging-wagi pa rin sa ‘Incognito’, ayaw patalbog
“‘Yung mga tinginan nila noong sila’y nag-show sa London, ‘yung mga bulungan nila, tapos ‘yung mga harutan, [pakita ng video nina Maris at Daniel sa screen] Nakakaloka no?
“Ito ay nagsimula sa Incognito. Siyempre naging close naman ‘yung dalawa tapos nagkasama pa sa London kasama si Morissette. Kumakanta si Maris habang nakatitig sa gilid ng stage si Daniel at nakasuporta ang kanyang mata,” pagpapatuloy ni Ogie.
Nabanggit rin nila ang pangalan ni Anthony Jennings na siyang ex ni Maris at ka-love team na sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag hinggil sa pagshi-ship sa dalawa niyang co-stars.
Narito pa ang ilang mga chika ng madlang netizens:
“Daniel Padilla and Maris halatang kilig na kilig sa isat isa. Bagay sila!”
“Mukhang bagay may chemistry Naman Ang dalawa, Wala ring problema kung magka developan sila, pareho Naman single.“
“Si Maris na nga ba ang kapalit ni Kathryn sa puso ni Daniel? Sobrang lakas ng chemistry ng dalawa!”
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksyon ang dalawa hinggil sa pagtatambal ng netizens sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
