Toni rumaratsada sa pagtatrabaho, pakakasal na kay Direk Paul sa 2014 | Bandera

Toni rumaratsada sa pagtatrabaho, pakakasal na kay Direk Paul sa 2014

Julie Bonifacio - November 28, 2013 - 03:00 AM


NAKATSIKAHAN namin  ang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa backstage ng AFP Theater kung saan ginanap ang 27th Star Awards for TV.

Host si Toni sa na-turang event with her sister Alex Gonzaga kasama ang magkapatid na sina Richard at Raymond Gutierrez.
Wagi rin nu’ng gabi sina Toni at Alex bilang Best Talent Show Hosts para sa The Voice.

Kasama rin nilang tumanggap ng award that night si Robi Domingo na isa rin sa hosts ng said singing search.Kung hindi kami nagkakamali, ‘yun ang kauna-unahang award na natanggap ni Alex.

Sakto naman at kababalik lang niya ulit sa ABS-CBN at win agad siya ng award, huh! You can just imagine ang hitsura ni Alex nu’ng humahangos siyang tumakbo palabas ng dressing room nu’ng tinawag ang pangalan niya.

Anyway, nabanggit namin kay Toni during our tsikahan na nakita na ang ipinatayong building ng kanyang ina na si Mommy Pinty sa Taytay. Dinala kami mismo doon ni Mommy Pinty nu’ng magawi kami sa kanilang tahanan sa Taytay kamakailan.

Sakay ng BMW car, ipinakita ni Mommy Pinty sa amin ang building na lampas lang ng konti sa SM Taytay. Four floors ang building ng pamilya Gonzaga. Metallic green and silver ang kulay nito with parking space sa loob.

Hindi pa man tapos ang building, e, meron nang nagre-rent sa ibaba. Nakapwesto na sa ground floor ang  isang bangko at may iba pang establishments ang gustong kunin na ang ibaba ng building.

Tantya namin hindi bababa sa P100 million ang halaga ng Gonzaga building na ‘to, huh! Bukod diyan, nabili na rin nina Mommy Pinty ang katabi pa sa isang side ng bahay nila sa Taytay.

Last Christmas lang ay bagong gawa na ang katabing malaking lote sa right side ng bahay nila. This year, ‘yung left side na katabi ng bahay naman niya ang binaysung ni Mommy.

Ginawang opisina nina Mommy ang nasa kaliwa at gathering place ng mga kasamahan nila sa church ‘yung kabilang side at paradahan na rin kapag walang gawain.

Bukod sa pagiging vice-mayor ng Taytay Lay leader din kasi sa church ang daddy ni Toni na si Daddy Carlito at leader din doon si Mommy Pinty. For sure, susunod na niyan ang pagbili ng resort ng mga Gonzaga.

“Meron na kaming nabiling lupa,” nakangiting sabi ni Mommy Pinty. “Matagal na ‘yun. Kaya lang ang dami pa kasing inaasikaso ngayon.”

Well, wala na akong ma-say. Kayo  na talaga, Gonzaga family! Kayo na!

Tinanong din namin si Toni Gonzaga kung na-stop ba ang taping niya para sa sitcom nila ni John Lloyd Cruz na Home Sweetie Home.

Nabalita kasi na next year na isasalang sa ere ang bago niyang show sa ABS-CBN, “Hindi, hindi kami tumigil ng taping. Tuluy-tuloy,” tsika ni Toni.

Nagbabangko na siguro sila ng episodes para pagsalang next year, walang masyadong aberya. And besides, kay bilis ng mga araw at sa isang iglap lang, e, 2014 na.

Bukod sa bagong sitcom ni Toni, nagsu-shoot din siya ng first movie nila ni Piolo Pascual. Wow! Ngayon pa lang ay nakikita na super bongga ang 2014 kay Toni.

Ano ‘to? Bakit tila nagmamadali sa pagratsada sa kanyang projects si Toni?  Paghahanda na kaya ito sa nalalapit na pagpo-propose ng kasal sa kanya ng boyfriend nyang si Paul Soriano? Hmmmmm….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending