Huling giyera sa hit series na ‘Stranger Things’ sisiklab na sa Nobyembre

ISANG dekada na natin sinusubaybayan ang hit series na “Stranger Things,” at sa darating na Nobyembre ay masisilayan na ang huling laban nito!
Inilabas na ng Netflix ang official teaser para sa Season 5 at mapapanood diyan na mas intense, mas madugo, at mas nostalgic ang mga aabangan na eksena.
Base sa pasilip, nasira na ang bayan ng Hawkins matapos magbukas ang mga Rifts.
Dahil diyan, ang tanging goal ng mga bida ay hanapin at wakasan ang kanilang kalabang kontrabida na si Vecna.
Baka Bet Mo: ‘It’s Okay to Not Be Okay’ nina Anne, Joshua, at Carlo may official trailer na!
Pero siyempre, hindi pa rin ito magiging madali dahil magkakaroon din ng ilang pagsubok na kung saan pinaghahanap din ng gobyerno si Eleven dahil sa pag-aakala’y siya ang kalaban na naghahasik ng lagim.
Ang huling season ay hinati sa tatlong volumes: ang Episodes 1 to 4 ay ipapalabas simula November 26, ang episodes 5 to 7 ay sa December 25, at ang episode 8 ay ire-release sa December 31.
Ayon sa Netflix, hindi basta labanan ang masasaksihan sa huling kabanata, mabubunyag din daw diyan ang matagal nang tinatago sa lore ng Upside Down.
Kasama pa rin sa final season ang OGs na sina Winona Ryder, David Harbour, Millie Bobby Brown, Finn Wolfhard, Gaten Matarazzo, Caleb McLaughlin, Noah Schnapp, Sadie Sink, Natalia Dyer, Charlie Heaton, Joe Keery, Maya Hawke, Priah Ferguson, at Brett Gelman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
