Pacman ginagamit ang Yolanda Victims para makalusot sa BIR
NANALO si Manny Pacquiao sa nakaraang laban niya kay Brandon Rios sa Macau pero hindi ito masyadong nakapagdulot sa kaniya ng lubos na kaligayahan dahil a few days after umuwi siya ng Pilipinas ay isang matinding problema ang sumalubong sa kanya – ang kasong isinampa sa kanya ng BIR.
Malaki-laki rin ang involved na pera rito – almost P2.2 billion daw ang kailangang bayarang tax ni Pacman sa BIR. At dahil dito, na-freeze ang bank accounts ng Pambasang Kamao at hindi niya ito pwedeng galawin hangga’t tumatakbo ang kaso niya.
Marami ang nagalit sa pamahalaan dala ng mga pasimpatiyang pronouncements ni Pacman. That, after bringing daw honors to the country ay heto siya’t sinisingil sa hindi binayarang buwis, as if, parang kahapon lang siya nagkautang – na para bang sinisingil agad ng BIR ang tax ng kaniyang pagkapanalo kay Rios and all.
May mga pa-echos pa si Pacman na paano siya makakapag-donate sa mga nasalanta ng Yolanda kung na-freeze na ang kaniyang mga accounts, saan daw siya kukuha ng pampasuweldo niya sa kanilang mga tauhan kung hindi siya pwedeng mag-withdraw? In short, ginagamit niya ang mga anggulong ito para lalong magalit ang taumbayan sa gobyerno na pinagkakautangan niya ng buwis.
Hindi totoo ang dramang ito ni Pacman, mga kaibigan. Itong BIR issue actually ay matagal na – nakailang summon na pala ang BIR sa kaniyang mga tax obligations pero dinededma lang nila ni Jinkee.
Tsaka, paalala lang kay Pacman, hindi lang kahapon dumating si Yolanda – ilang linggo na, long before his bout with Rios. Marami na po ang namatay na mga kababayan natin, FYI lang po Manny and Jinkee.
Kung talagang totoong magbibigay kayo ng donation sa mga nasalanta, sana noon pa, when the calamity landed sa mga devastated areas.
Ano iyon, hinintay mo pang manalo sa laban mo kay Rios and part of the winnings ang siyang idu-donate mo? Noon pa sana ikaw nag-donate – hindi ngayon lang.
Kung ang problema niyo ay pampasuweldo sa mga tauhan ninyo sa limpak-limpak ninyong mga negosyo, madali iyan, nakakautang ka naman sa mga mayayaman mong friends and alam nilang you have the capacity to pay naman.
Kung hindi man, isangla niyo muna ang sandamakmak na karat-karat na alahas ng asawa mong hindi na marunong lumingon sa kaniyang kahapon (malala pa sa stiff neck ang sakit daw ni Jinky kung makataas ng leeg. Ha-hahaha!).
Huwag naman ninyong itayming sa panahong galit ang mga tao sa pamahalaan lalo na sa kabagalan ng pagresponde nito sa mga nasalanta ng bagyo, alam niyo kasing the country is revolting against the government kaya huwag niyo namang samantalahin ito sa pagsusog sa taumbayan dahil sa personal lang naman ninyong interest.
Ako? I also hate this government dala ng sobrang kalamyaan at mali-maling diskarte pero itong BIR issue mo Manny, is just yours alone – don’t involve the people.
Kailan ka ba napakinabangan ng taumbayan? Nagbibigay ka lang naman daw ng tulong pag merong camera eh, pag wala, deadma? Kaya tigilan na ang mga drama-dramang iyan, please lang.
“As a TAX PRACTITIONER…I can say that BIR have been fair to PACMAN…All Manny had to and failed to do is to present documents representing tax payments made in the US…It is not BIR that sued MANNY… JINKY filed a case against BIR in the CTA protesting the assessment made by BIR.
“But at the end of the day you have to present the payments made in the US. I wonder why up to now they can’t produce those docs…KUMIKITA LANG ANG LAWYER NYA…PACMAN can invoke ‘doubtful validity’ in settling his tax obligations.
It is a compromise settlement provided for in the tax code. Wag na kasi patagalin,” sabi ng kaibigan naming CPA na si Jubal Ayo sa kaniyang FB account.
“Sa garnishment ng BIR the notice of garnishment dinadala yan sa HEAD OFFICE ng mga banks. The HO will check Kung saan branch may deposit the client.
There is still time to notify the client of the garnishment kasi the notice binibigay sa branch the following the day pa. Pwede pa maglipat ng account ang branch kasi the following day pa dadalhin sa branch the notice or before madala the notice na tawagan na the branch PACMAN?
Nangutang para bigay sa typhoon victims? Ang na-garnish lang is P1.1M? Tigilan ako no!” dagdag pa ni kaibigang Jubal.
Hindi raw galing si PDAF or DAP ang pera niya, pinaghirapan raw niya ito sa pamamagitan ng mga suntok, dugo at pawis.
He is right – very right indeed pero this is his business and he knows from the very start that he has to pay the right tax for this. Pero bakit pinabayaan niya? Dinededma lang nilang mag-asawa ang mga hinihinging papeles ng BIR.
Ngayong naipit sila, they started to involve the people, ginagamit pa nila ang mga biktima ni Yolanda para makakuha ng simpatiya. Dahil nanalo ka, dadrama kang idu-donate mo sana sa mga typhoon victims ang part ng napanalunan mo and since na-freeze ang accounts mo, papa-echos ka kung saan kukuha ng pang-donate?
Iyan ang maliwanag na charringggg! Paano na lang kung natalo ka? Hindi ka magdu-donate kahit may prize winnings pa rin naman kahit lost?
Sa bilyon-bilyon mong pera, hindi mo naisip iyan nang mag-landfall si Yolanda and you are saying it now after almost three weeks since the calamity happened? Funny ka talaga, Pacman. Hindi ka lang champion boxer, primetime comedian ka rin pala.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.