Solong winner ng P72-M sa Grand Lotto 6/55 minsanan lang tumaya, pero wagi!

KINUBRA na ng solong nanalo ng P72 million sa Grand Lotto 6/55 ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang naka-jackpot ay mula sa Novaliches, Caloocan na minsanan lang daw kung tumaya sa lotto pero naiuwi nga ang milyun-milyong premyo.
Ayon sa PCSO), napanalunan ng lone bettor ang kabuuang P72,366,751 jackpot prize ng Grand Lotto na binola noong June 30.
Natumbok ng mananaya ang winning combination na 03-54-24-36-18-46. At nitong nagdaang July 3 nga ay kinubra na niya ang napanalunang premyo.
Ayon sa naka-jackpot, tumaya siya ng lotto pagkatapos ng kanyang trabaho sa halagang P20.
Aniya, hindi naman daw regular kung siya’y tumaya, kapag may extra lang siyang pera saka siya nagpupunta sa mga lotto outlet.
“Hindi ko akalaing mangyayari talaga sa akin ‘to. Minsan lang ako tumaya. Pero dahil naniniwala ako na may awa ang Diyos eto na nga ang nangyari,” pahayag ng lucky winner.
Balak daw niyang gamitin ang nakuhang premyo sa ilang investments pati na rin sa kanyang pamilya at pag-aaral ng kanyang mga anak.
Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
